Miss Universe PH maglalabas ng ‘something special’ ayon na rin sa creative director nito

  • Makabuluhan ang isang Instagram post kamakailan ng creative director ng Miss Universe PH na si Jonas Gaffud
  • Aniya, maglalabas ang organisasyon ng ‘something special’ na dapat tutukan ng mga Pinoy sa mga darating na araw
  • Bago pa ang makabuluhang post niya na ito, nagbahagi na si Jonas ng mga larawan ng top 5 Miss Universe PH candidates subalit hindi kasama rito si Rabiya Mateo

Matatandaan na noong Oktubre 2020 inilunsad ang taunang pageant ng Miss Universe Philippines na ginanap sa Baguio City sa pangunguna ng Miss Universe Philippines organization at ng national director nito, ang dating beauty queen din na si Shamcey Supsup.

Imahe mula kay Jonas Gaffud via Instagram

Naging usap-usapan ang Miss Universe PH 2020 dahil ito ang unang pagkakataon na hindi ang Binibining Pilipinas Charities Inc. ang humawak ng nasabing pageant na sila mismo ang nagsasaayos sa nakaraang mahigit 50 na taon.

Bukod pa rito, nabalot din ng isyu ang nasabing pageant matapos ihayag ng kandidata na si Sandra Lemonon na nagkaroon ng “injustice” sa MUP. ““The truth always comes out. It’s just about timing. Karma is real. soon Because we deserve justice,” ang makabuluhang IG post ng Taguig representative na si Sandra.

Sandra Lemonon inihahanda nang sabihin ang “tea” tungkol sa naganap na Miss Universe Philippines 2020

 

Imahe mula kay Jonas Gaffud via Instagram

Gayunpaman, nanatili sa paglulunsad ng kanilang adbokasiya ang MUP organization at ang kinoronahang Miss Universe PH na si Rabiya Mateo. At kamakailan nga, ang creative director naman ng MUP organization ang nagbahagi ng makabuluhang post sa IG.

Subalit imbes na mabalot ng hindi magandang haka-haka, “something special” ang sinabi ng creative director na si Jonas Gaffud na kanilang ibabahagi sa mga darating na araw. “Watch our for something “special” from Miss Universe Philippines. #becomingphenomenal  #journey #surviving2020 #hopeful2021,” ang nilagay na caption ni Jonas kalakip ng kanyang larawan habang nasa gitna ng tila photoshoot.

Imahe mula kay Jonas Gaffud via Instagram

Bago pa ang makabuluhang post na ito ng creative director, una na niyang ibinahagi ang mga katatapos na photoshoot ng top 5 Miss Universe PH candidates, ang bawat isa ay may mga nakahain na proyekto.

Ang fourth runner-up na si Billie Hakenson ay itinanghal na Miss Universe Philippines Ambassador for Gender Equality, ang third runner-up naman na si Pauline Amelinckx ay Ambassador for Tourism.

MUP Ambassador for Health & Fitness naman si second runner-up Michele Gumabao at ambassador for Arts & Culture naman si Bella Ysmael, ang itinanghal na First runner-up. “Projects coming soon,” ani Jonas para sa mga kandidata.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: