Mga magkasintahan na nagkakilala sa dating app, mataas ang tsansang maging “forever” ayon sa pag-aaral

  • Isang pag-aaral sa Switzerland ang nagsabing malaki ang tsansa ng mga magkasintahan na nagkakilala sa dating apps na magkatuluyan at gumawa ng pamilya
  • Isa sa mga nakikitang dahilan ay ang “cohabiting intentions”  ng mga taong gumagamit ng dating apps
  • Mahalaga ang naging pag-aaral na ito lalo na sa panahon ngayon na maraming tao ang sumangguni sa dating apps upang maghanap ng kasintahan

Kung kabilang ka sa grupo ng mga single sa bansa, tiyak na narinig o maski nasubukan mo na ang dating apps. Sa panahon ngayon, iba’t ibang dating apps ang nauuso na sa social media at sinasalihan ng maraming Pinoy.

Imahe mula Freepik

Iba’t iba ang intensyon ng mga tao sa pagsali sa mga dating apps—ang iba sa kanila ay maaaring naghahanap lamang ng fling, habang ang iba naman ay umaasa na dito na nila makikita ang “the one.”

Subalit mayroon namang ibang tao na ginagamit lamang ang dating app upang makapanloko ng ibang tao o kaya ay kumita ng pera dahil sa mga ilegal na gawain. Kaya marami ang nagdadalawang-isip kung sa dating app nga ba nila makikita ang tamang tao para sa kanila.

Ayon naman sa isang pag-aaral na ginawa ng University of Geneva (UNIGE) sa Switzerland, mataas umano ang tsansa na magkatuluyan bilang mag-asawa ang mga magkasintahan na nagkakilala sa dating apps.

Imahe mula Freepik

Nagbase ang mga researcher sa isang datos ng family survey noong 2018 na nilahukan ng 3, 245 na mga indibidwal na nasa isang relasyon o nakilala ang kanilang partner sa nagdaang dekada.

Ayon sa isang researcher ng nasabing pag-aaral na si Gina Potarca mula sa Institute of Demography and Socioeconomics ng UNIGE, ang mga magkasintahan na nagkatagpo o nag-match sa dating app ay malakas ang “cohabiting intentions” kumpara sa mga magkasintahan na nagkakilala sa tradisyonal na paraan.

Ang kababaihan din umano na nakilala ang kanilang kasintahan sa dating app ay mas mataas ang “fertility desires and intentions.” Dahil mayroong mga tao na sumasali sa dating app sa kagustuhang makatagpo na ang makakasama habangbuhay, makakakita rin sila ng taong may parehong intensyon.

Imahe mula Freepik

“The internet is profoundly transforming the dynamics of how people meet… It provides an unprecedented abundance of meeting opportunities, and involves minimal effort and no third-party intervention,” ani Potarca.

“Knowing that dating apps have likely become even more popular during this year’s periods of lockdown and social distancing, it is reassuring to dismiss alarming concerns about the long-term effects of using these tools,” dagdag pa niya.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: