Mga eksperto at magulang, may payo upang maiwasan na makabili ang mga anak online

  • Kamakailan ay naglabasan ang mga balita tungkol sa mga batang nakabili online gamit ang cellphone at credit card ng kanilang mga magulang
  • Ang pagbili na ito ng mga bata ay hindi nila sinasadya at hindi rin agad nakita ng mga magulang hanggang sa dumating na ang order o nag-reflect na sa credit card
  • May payo naman ang ilang eksperto at magulang upang maiwasan ang ganitong klaseng insidente

Simula noong nagkaroon ng pandemya ay naging madalas na ang pagbili ng mga Pinoy online. At upang mas mapadali ang proseso, ang ilan sa kanila ay nili-link na ang gamit na ATM o credit card sa mga online shopping sites upang mapadali ang kanilang pagbili.

Imahe mula kay Marloue Napiñas Mahumot via Facebook

Subalit sa ganitong kadahilanan kaya naman naging madalas ang mga lumalabas na balita tungkol sa mga batang nakabibili online gamit ang cellphone ng kanilang mga magulang. Noong Disyembre lamang, nag-viral ang kuwento tungkol sa 3-anyos na bata mula Bohol na nakabili ng dalawang electric toy bike nang hindi alam ng mga kamag-anak hanggang sa ito ay ma-deliver sa kanilang bahay.

Viral din nito lamang Enero ang 8-anyos na bata na hindi sinasadyang nakabili ng nagkakahalagang P100,000 na mobile app games gamit ang debit card ng mga magulang. Inakala umano ng bata na libre ang mga nasabing games at hindi rin natanggal ng kanyang mga magulang ang naka-link nilang bank account.

Boy unintentionally spends P100k on games using parents’ card

Dahil sa mga kuwentong ito, nagbigay ng payo sa programang “Sakto” sa Teleradyo ang technology editor ng Manila Bulletin na si Art Samaniego upang maiwasan ang mga ganitong klaseng pangyayari.

Imahe mula kay Julmar Grace Locsin via Facebook

Una, aniya, mahalagang hindi naka-link ang kahit anong debit o credit card sa mga online shopping sites o apps. “Ifa-flash na screen na ‘require authentication for all purchases.’ ‘Pag nag-no ka, ina-allow mo na may authentication. Kaya kahit anong bili nila nakacharge na sa card na nakalink,” ani Art.

Kapag umano na-link na ang credit o debit card ay mase-save na ito at dito na didiretso ang mga bibilhin sa mga susunod na pagkakataon, “automatic na ikakarga ‘yon sa account mo,” babala ng eksperto.

Imahe mula Freepik

Para naman sa host at mommy na si Amy Perez-Castillo, komunikasyon sa mga anak ang kinakailangan din upang hindi sila patagong bumili online, “harap ko gagawin, tapos sa harap ko rin ipinapadelete ang credit card ko doon sa account nila,” ani Amy.

Dagdag pa ni Art, maaaring buksan ang “parental controls” ng cellphone upang malimitahan ang maa-access ng mga anak sa tuwing hihiramin nila ito. Maaari ding mag-register sa ilang software tulad ng “Google family activity” na maaari umanong gamitin para matiyak na walang “unauthorized purchase” ang anak.

Kung hindi naman sinasadyang nakabili ang anak gamit ang mga online shopping app, maaari namang ma-dispute ito, ayon kay Art.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: