Marian Rivera pinasilip ang acting skills sa gaganaping “virtual teatro” sa darating na Pebrero
- Napabilang si Marian Rivera sa mga aktor na mapapanood sa isang dula-dulaan na ipalalabas virtually
- Sa kanyang Instagram account ay ipinasilip ni Marian ang mapapanood sa dulaang handog ng Tanghalang Ateneo
- Sa video ay makikita ang kakaibang acting skills ni Marian kahit na nakaharap lamang sa camera na tila may ka-video call
Maski ang industriya ng teatro ay naapektuhan ng pandemya na nagdadala ng takot sa panahon ngayon. Hindi man pinapayagan ang mass gathering, hindi naman nito napigilan ang pagpapalabas ng mga dula-dulaan sa teatro na dati ay mapapanood lamang sa mga tanghalan.

Kakaibang Marian Rivera-Dantes ang mapapanood sa isang dula-dulaan na ipalalabas virtually.ย Napabilang si Marian sa cast ng adaptation ng “Oedipus Rex” na pinamagatang “๐ฝ๐ฎ๐๐๐๐ผ๐ฟ๐ฑ: ๐ฌ๐ฏ๐ฑ๐ญ๐ฝ๐๐ฑ_๐ฟ๐ฏ๐ .” Ito ay handog ng Tanghalang Ateneo at maaaring mapanood online.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Marian ang trailer video ng dula-dulaan, at dito ay saglit na makikita ang kanyang clip habang mariing sinasabi ang mga katagang “sa tingin mo! Hindi sa tingin ko!”
“Hango sa bantog na trahedya ng sinaunang Griyego, inilalahad ng ๐ฝ๐ฎ๐๐๐๐ผ๐ฟ๐ฑ: ๐ฌ๐ฏ๐ฑ๐ญ๐ฝ๐๐ฑ_๐ฟ๐ฏ๐
ang pakikipagtuos ni Edipo, ang pangulo ng bayan, sa isang karumal-dumal na kapalarang walang makawaksi,” ang nakalagay sa synopsis ng dula.

Ang dulang ito ay sa direksiyon at halaw ni Ronan B. Capinding, habang si Rolando S. Tinio naman ang taga saling-Filipino. Bukod kay Marian at ilang non-student actors, mayroon ding kasamang students actors sa dulaan.
Ang nasabing dula ay eksklusibong ipalalabas ng ticket2me sa Pebrero 22, 25, at 27, habang ang ticket naman ay maaari nang mabili simula Enero 6. Kahit hindi pa naipalalabas, marami nang netizen ang kinilabutan sa naging pag-arte ni Marian.

“Ang galing! Kahit sa video call yung acting, it gave me goosebumps,” ayon sa isang nag-iwan ng komento.
Mayroon ding nakapagsabi na mas magandang manood ng mga ganitong klaseng palabas, “mga ganito na may sense ang mas magandang panoorin. May laman.”
Para sa mga netizen na interesadong malaman ang iba pang detalye tungkol sa “๐ฝ๐ฎ๐๐๐๐ผ๐ฟ๐ฑ: ๐ฌ๐ฏ๐ฑ๐ญ๐ฝ๐๐ฑ_๐ฟ๐ฏ๐ ,”maaaring ย makipag-ugnayan kay Kristelle Angelyne Ventura (0966-307-5975).
View this post on Instagram