Luis Manzano nakatanggap ng PS5 mula sa fiancee na si Jessy Mendiola

  • Labis ang galak ni Luis Manzano pagkatapos makatanggap ng regalo mula sa kanyang nobya na si Jessy Mendiola
  • Ang regalo kasi na ito ay ang latest ng Sony console na PlayStation 5 o PS5 na nagkakahalaga ng mahigit P27,000
  • Disyembre noong nakaraang taon nang ilunsad ang PS25 sa Pilipinas kung saan ay sold out agad ang mga preorders

Ano nga ba ang magandang panregalo sa kasintahan? Para sa mga lalaki, kalimitang make up, bouquet of flowers, o teddy bear ang kanilang ibinibigay sa mga nobya. Habang sapatos, damit, o kaya ay pabango naman ang kalimitang ibinibigay ng mga babae sa kanilang mga nobyo.

Imahe mula Instagram

Subalit para sa mga may malalaking budget upang bilhan ang kanilang mga special someone ng mamahalin rin na mga gamit, hindi basta-basta ang kanilang mga ibinibigay na regalo. Tulad na lamang ng napiling regalo ng aktres at host na si Jessy Mendiola sa kanyang fiance na si Luis Manzano.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Luis ang larawan habang nakatodo ang ngiti at hawak-hawak ang regalo na ibinigay sa kanya ni Jessy: isa lang namang PlayStation 5, ang newest next-gen console ng Sony.

“Thank you my howhow! @senorita_jessy !! Howhow you! Super thank you rin @luxestation for the ps5!” ang inilagay na caption ng Kapamilya actor at host. Ni-replyan naman ito ni Jessy ng “Happy ka?” na sinagot naman ng nobyo ng “Yes.”

Imahe mula Instagram

Nobyembre noong nakaraang taon nang ianunsyo ang pagbebenta ng PS5 sa Pilipinas.  Dahil sa global trend , sold out agad ang preorders pa lang nito dito sa bansa. Ito ay nagkakahalaga ng P27,990 para sa disc version (Ultra HD Blu-ray disc drive)—ang edition na mayroon si Luis, at P23,990 naman para sa digital edition.

Bukod sa advanced features at specs ng Ps5, maraming gamers ang naghahangad na mapasakamay ito dahil sa hatid nitong bago at kakaibang gaming experience. Futuristic ang disenyo ng Ps5 at malinaw at realistic ang projection ng mga laro. Suportado na rin nito ang 4K/120 Hz na gameplay.

Upang malaman ang iba pang specs ng PS5, panoorin ang video na ito:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: