‘Love is strong, but physics is stronger’: Prenup photoshoot ng magkasintahan habang nasa duyan, viral online

  • Kinaaaliwan ngayon ng mga netizens ang larawan ng magkasintahan sa kanilang prenuptial photoshoot na kinuhanan kamakailan
  • Sa larawan kasi ay makikitang masayang nasa duyan ang magkasintahan, subalit dahil napalakas ang kanilang pagduyan ay nahulog sila
  • Nakaaaliw din ang mga naging reaksyon ng netizens tungkol sa viral na litrato

Sa dumaan na holiday season, maraming netizen ang nagbahagi ng kanilang mga naging pagdiriwang sa social media. Mga larawan ng kanilang handa, family picture, at bonding moments ang karaniwang ibinahagi ng mga Pinoy online.

Imahe mula Freepik

Subalit bukod sa mga naganap na handaan at pagdiriwang sa nagdaang Pasko at bagong taon, marami rin sa mga magkasintahan ang nagbahagi ng mga larawan at video ng kanilang marriage proposal, engagement, o iyong mismong kasal nila.

Dahil maituturing na isa sa mga pinakamasayang buwan ang Disyembre, marami sa mga magkasintahan ang pinili ito upang pahalagahan ang kanilang pagmamahalan. Marami rin sa kanila ang nagbahagi ng mga larawan sa kanilang prenuptial wedding photoshoot base sa iba’t ibang tema.

Isang prenup photosoot ngayon ang viral online; hindi dahil sa nakakikilig nitong tema kundi dahil sa nakaaaliw na nangyari sa magkasintahan. Ang nasabing prenup photos ay ibinahagi ng Facebook page na Carlo Acetre Photography at ngayon ay ibinahagi ng iba’t ibang FB pages at umani na ng libo-libong reactions.

Imahe mula sa Carlo Acetre Photography via Facebook

Ang “expectations vs. reality” na mga larawan sa naganap na prenup photoshoot ay kinuhanan sa Fresno Agro Forestry and Eco Tourist Campsite sa may Tanay. Sa unang larawan ay makikitang masayang nakasakay sa duyan ang magkasintahan habang magkahawak kamay pa.

Ayon sa photographer na si Carlo, hiniling niya sa magkasintahan na kumuha sila ng larawan habang nakasakay sa duyan. “Lakasan n’yo pa para mas maganda sa photos!” ani umani ni Carlo na ang ibig sabihin ay ang pag-swing ng magkasintahan.

Subalit tila napalakas ang kanilang pagduyan dahil bigla na lamang bumaliktad ang magkasintahan sa duyan—at nakuhanan din ito ng larawan! Kahit natumba ay ayos naman umano ang kalagayan ng magkasintahan at nagtawanan na lamang sila sa nangyari.

Imahe mula sa Carlo Acetre Photography via Facebook

Bukod sa larawan ng magkasintahan, nakaaaliw din ang naging reaksyon ng mga netizens. “Love is so strong, but physics is stronger,” ayon sa isang nag-iwan ng komento.

“HHWFTTG – Holding Hands While Falling To The Ground,” ayon pa sa isang netizen. Marami rin ang nakapansin na kahit natumba na sa duyan ay magkahawak kamay pa rin ang magkasintahan, sana all!

“Kahit mahulog, kapit kamay pa rin. Walang bibitaw”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: