‘Love and friendship’ natagpuan ni Barbie Imperial sa bagong nobyo na si Diego Loyzaga

  • Sa unang araw ng 2021 ay inihayag ni Diego Loyzaga sa kanyang IG ang relasyon nila ng aktres na si Barbie Imperial
  • Pagkatapos naman ng dalawang araw ay nagbahagi na rin si Barbie ng litrato nila ni Diego at nagbigay ng mensahe para sa bagong nobyo
  • Sa isang panayam, sinabi ni Barbie na hindi niya sana nais magkaroon ng relasyon kay Diego dahil magkaibigan sila at ayaw niya itong saktan

New year, new me,” ito ang mga katagang kalimitang sinasabi ng mga tao sa pag-uumpisa ng taon. Ngunit para sa aktor at DJ na si Diego Loyzaga, “it’s me and my jowa, wah!” ang kanyang peg matapos ipakilala sa unang araw ng 2021 ang kanyang bagong nobya—ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Imahe mula Instagram

Sa kanyang Instagram account ay nagbahagi si Diego ng larawan nila ni Barbie habang magkayakap at may caption na: Happy new year to us. Thanks for making the end of my 2020 memorable. Lets go 2021!

Marami namang netizens lalo na ang mga malalapit na kaibigan sa showbiz nina Diego at Barbie ang kinilig sa bagong relasyon ng dalawa. Sumunod na rin na nag-post  si Barbie ng larawan nila ni Diego.

Ang larawan, na ayon kay Barbie ay ang kanyang pinakapaboritong larawan kasama ang nobyo, ay kuha sa isang museum sa Antipolo.

“Totally unexpected to fall for someone I thought I’d be just friends with forever but I’m really happy to have found both love and friendship with this one,” ang nilagay naman ng aktres sa caption.

Imahe mula Instagram

Matatandaan na noong Nobyembre sa programang “Magandang Buhay” ng ABS-CBN ay inamin ni Barbie na nanliligaw sa kanya si Diego. Subalit dahil una silang naging magkaibigan, nagdalawang-isip ang aktres kung dapat ba niyang sagutin ang binata.

“Kaibigan ko siya eh. And alam ko po ‘yung pinagdaanan niya. Ayaw ko maging babae na ibe-break ‘yung heart ni Diegs. So parang tinuloy namin na maging friends na lang muna tayo. Kapag alam mo po kasi yung pinagdaanan ng isang tao, ayaw mo siyang ibalik sa situation na yun ulit,” ani Barbie.

Subalit sa pagdaan ng panahon, ay nahulog na rin ang loob ni Barbie sa kanyang kaibigan. “Thank you for making me happy & feel loved. Thank you for everything that you do to make me feel the love I deserve. So thankful for you, thank God for you.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: