Kristel Fulgar nakabili ng pangalawang sasakyan; magpapatayo ng bagong bahay

  • Sa kanyang latest vlog, itinampok ni Kristel Fulgar ang mga naganap sa kanyang kaarawan noong Disyembre
  • Kasama sa kanyang mga naitampok sa kanyang vlog ay ang pagpapakita niya ng nabiling lupa na pagtatayuan ng kanilang bagong bahay at bagong kotse na kanya mismong pag-aari
  • Ayon kay Kristel, hindi pagmamalaki ang layunin ng kanyang vlog kundi paghingi ng pasasalamat lalo na sa kanyang mga taga suporta

Sa panahon ngayon, maituturing nang career o “full time job” ang vlogging dahil malaki ang kinikita ng isang vlogger lalo na kung marami na ang kanyang subscribers at viewers.

Imahe mula kay Kristel Fulgar via Instagram

Dito pa lang sa Pilipinas ay marami nang personalidad ang nakilala dahil sa pagba-vlog, at kabilang na nga rito ang dating Goin’ Bulilit star na si Kristel Fulgar. Nakilala si Kristel dahil sa kanyang mga cover songs at mga nakaaaliw na vlogs na usong-uso ngayon sa kabataang henerasyon.

Sa kanyang pinakaunang vlog ngayong 2021, itinampok ni Kristel ang mga naganap sa kanyang ika-26 na kaarawan noong December 29. Ipinakita rin ni Kristel ang kanyang mga naipundar sa mga kinikita sa pagba-vlog.

Ipinagdiwang ni Kristel at mga kaibigan ang kanyang kaarawan sa isang hotel kung saan ay naglagay sila ng dekorasyon at nagkaroon ng simpleng salo-salo. Dumating din sa selebrasyon ang isa sa kanyang matatalik na kaibigan na si Sue Ramirez.

Imahe mula kay Kristel Fulgar via Instagram

Ipinakita rin ni Kristel ang nabiling lupa kung saan siya magpapatayo ng bahay. “Ipapasilip ko po sa inyo yung lupang pagtatayuan ko ng bahay next year (2021).” Bukod sa bahay, bumili rin ang dating Goin’ Bulilit star ng kanyang pangalawang sasakyan.

Ipinaliwanag ng dating child star kung bakit siya kumuha ng isa pang sasakyan, “kailangan kasi ng sasakyan.  Balita namin magkakaroon na ulit ng coding. Napilitan kami kumuha nito kasi ang laki nung discount. Yung dati ko kasing ginagamit pang-coding, ginagamit na ng ate ko ngayon.”

Dagdag pa ni Kristel, dalawang garahe ang ipagagawa niya sa bagong bahay kaya tiyak na magkakasya rin ang dalawang sasakyan nila.  Ayon naman sa artikulo  ng Philippine Entertainment Portal (PEP), ang bagong sasakyan na binili ni Kristel, na isang Hyundai Kona, ay nagkakahalaga ng nasa  P1,188,000.

Imahe mula kay Kristel Fulgar via Instagram

Sinabi ni Kristel na ang kanyang latest vlog ay ginawa hindi upang magmalaki sa mga naipundar sa nakaraang taon kundi upang magpasalamat sa mga sumusuporta sa kanya.

“Ang main purpose talaga ng vlog na ito ay hindi para ipagmalaki lang ang mga blessings na natanggap ko. Pero kasi hindi ko makukuha lahat ng yun kung wala yung mga taong sumusuporta sa akin at isa kayo dun.”


Loading...
Source :

YouTube, PEP

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: