Kapatid ni Julia Barretto na si Claudia, sasabak na rin sa showbiz sa ilalim ng Viva Artists

Imahe mula kay Claudia Barretto via Instagram
  • Sasabak na rin sa industriya ng showbiz ang nakababatang kapatid ni Julia Barretto na si Claudia
  • Unang nakilala bilang singer-songwriter, nagkaroon na ng karera sa music industry si Claudia, at ngayon ay nasa ilalim na siya ng Viva Artists Management
  • Sinabi ni Claudia na may balak din siyang tahakin ang pag-arte kung bibigyan ng pagkakataon

Kilala na ang apelyidong “Barretto” sa showbiz industry — kabilang sa mga tinitingalang artista noon at ngayon ay ang magkakapatid na sina Gretchen, Claudine, at Marjorie Barretto. Sa mga younger generation naman ay nagpasiklab sa pag-arte ang anak nina Marjorie at dating kinakasama na si Dennis Padilla na si Julia Barretto.

Imahe mula kay Claudia Barretto via Instagram

Ngayon, hindi na lamang si Julia ang kabilang sa mga mas batang henerasyon ng mga Barretto sa showbiz dahil kamakailan ay pumirma na sa ilalim ng Viva Artists Agency (VVA) ang kanyang nakababatang kapatid at pangalawang anak nina Marjorie at Dennis na si Claudia Barretto.

Una nang nakilala ang 21-anyos na si Claudia sa music industry bilang pop and R&B artist matapos niyang ilabas ang debut single na “Stay,” ang kanta na isinulat ng singer na si Moira de la Torre. Naglabas din siya ng iba pang single tulad ng “You,’ “Finally Found It” at “Sinking,” ang kantang siya mismo ang nagsulat. Naglabas pa siya ng self-titled EP (extended play) noong 2018 at isa pang kanta noong 2020.

Imahe mula kay Claudia Barretto via Instagram

Si Claudia rin ang kumatawan sa Pilipinas matapos siyang lumabas sa Thai film na  “Friend Zone” at kumanta ng Filipino music para sa music video ng nasabing pelikula. Kasama niya rito ang iba pang young musicians sa buong Asya kabilang na ang China, Cambodia, Laos, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Vietnam, and Thailand.

Nang tanungin kung bakit mas nauna siyang maengganyo sa pagkanta kaysa sa pag-arte tulad ng kanyang mga kamag-anak, “people always wondered if it was a deliberate choice to kind of veer away from the acting. Growing up, it was just so natural. It just felt like music was the only thing I wanted to truly pursue.”

Imahe mula kay Claudia Barretto via Instagram

At ngayon ay isa na siyang solo artist sa ilalim ng Viva management, inaasahan ni Claudia na mas marami pa siyang magagawa gamit ang kanyang talento. “I’ll just be more mobile. I’ll be able to do more of what I love and do more as a new artist. Viva and I are very compatible. I’m very hopeful and excited to work with Viva more closely,” ani Claudia sa virtual pressconference.

Nang tanungin naman kung susubukan din niya ang pag-arte, “wherever life takes me. If the opportunity comes and I’m prepared to act, maybe I’ll give it a shot. If not, I’m okay to doing whatever it is that I feel called to do.”

Samantala, ating silipin ang kanyang performance sa Wish 107.50:

Parang international singer ano? narito pa ang isang awit niya: