‘Kapag pumapayag kang niloloko ka’: Ina ni Bea Alonzo ibinahagi ang most disappointing moment niya sa anak

  • Sa kanyang latest vlog, isinalang ni Bea Alonzo ang kanyang ina sa isang Q&A segment at ang “jojowain o totropahin” game
  • Sa Q&A ay may mga nakaaaliw na sagot ang ina ni Bea, at mayroon din namang mga seryoso
  • Nabanggit ng ina ni Bea na isa sa mga disappointing moment niya sa anak ay iyong kapag pumapayag itong lokohin siya

Karaniwang nananatiling pribado ang buhay pamilya ng mga sikat na artista, ito ay upang maprotektahan na rin ang privacy ng kanyang mga kamag-anak at minamahal sa buhay.

Imahe kuha mula sa video ni Bea Alonzo via YouTube channel

Subalit may ilang artista naman na proud na ipinapakita sa publiko ang kanilang mga pamilya lalo na ang kanilang mga magulang. Iniaalay nila sa mga magulang ang tagumpay na nakamit sa industriyang kanilang pinasukan.

Sa kanyang latest vlog, itinampok ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang kanyang ina na si Mary Ann Ranollo sa isang masayang question and answer segment at “jojowain o totropahin” game na usong-uso sa mga vlogger.

“Funny how much you can learn about yourself just by asking your mom random questions. It’s as if you’re looking at yourself in the mirror,” ang inilagay na caption ni Bea sa nasabing vlog. Dito ay sumagot ang kanyang ina ng mga random questions habang nagmu-mukbang ng pagkain ng mga prutas.

Imahe kuha mula sa video ni Bea Alonzo via YouTube channel

Isa sa mga tumatak na sagot ng kanyang ina ay kung ano ang pinapangarap pa nito para sa anak ni Bea. Aniya, nais niyang makapangasawa ang anak ng maayos na lalaki, at magkapamilya na ito, SOON, na sinagot naman ni Bea na nakaka-pressure.

Nang matanong naman kung sino ang naging pinakapaboritong leading man ni Bea, sinagot ito ni Mary Ann na si John Lloyd Cruz dahil nakasama na umano ito ni Bea noong nag-uumpisa pa lamang siya sa showbiz.

Naitanong din kung sino ang pinakaayaw na ex-boyfriend ni Bea na diretsahan namang sinagot ng kanyang ina ng, “Tinatanong pa ba yan?! Ayokong magsalita, huwag n’yo nang itanong, alam n’yo na.”

Imahe kuha mula sa video ni Bea Alonzo via YouTube channel

Ibinahagi rin ni Mary Ann ang proudest at most disappointing moment niya para kay Bea. Aniya, proud na proud siya sa pagiging artista ni Bea. Samantalang sa most disappointing moment, “kapag pumapayag kang niloloko ka, kapag nagpapaloko ka,” ang diretsahang sagot ng ina ni Bea.

Nakakaintriga naman ang naging sagot ni Bea sa jojowain o totropahin game nang mabanggit ang nali-link sa kanya na si Dominique Roque, sinagot niya ito ng “jojowain.”

Panoorin ang buong vlog ni Bea kasama ang kanyang ina dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: