“It’s your girl!” Graduation creative shots ala Mimiyuuuh, kinaaaliwan

  • Umani na ng libo-libong reactions at ni-repost ng iba’t ibang pages ang mga larawan ng creative shot ng isang graduating student mula sa Pampanga
  • Sa kanya kasing creative shot, ginaya niya ang hitsura at mga pose ng vlogger na si Mimiyuuuh dahil marami ang nagsasabing kamukha niya ito
  • Kinaaaliwan ang mga larawan ng graduating student dahil maski ang poses at facial expression ng YouTube sensation ay kanyang kuhang-kuha

It’s your girl, Mimiyuuuh! Drink your water, bhie! Edi ikaw na! It really hurts, ang magmahal nang ganito… ang mga kataga at kantang ito ay tumatak sa maraming Pinoy dahil na rin sa pagpapasikat nito ng vlogger at social influencer na si Mimiyuuuh.

Imahe mula Instagram

Si Mimiyuuuh, na ang tunay na pangalan ay Jeremy Sancebuche, ay sumikat dahil sa mga nakaaaliw na videos niya sa YouTube at ang iconic na background ng kanilang apartment na laging tampok sa kanyang mga vlogs.

Bukod sa mga litanya, mabilis na nakilala si Mimiyuuuh dahil sa kanyang hitsura—maikling buhok, balingkinitan na pangangatawan, at kakaibang ngipin. Naging sarili na niyang tatak ang hitsura at kakaibang fashion style.

Maituturing man na “unique” ang hitsura ni Mimiyuuuh, mayroong isang estudyante na papasa bilang kakambal niya matapos mag-viral ang mga larawan nito kung saan ay naging tema niya ang YouTube sensation para sa creative shots.

Imahe mula kay Nisan Mendoza ng Visual Stories Studio, via Ruben Rivera

Kuwento ng BS Accountancy graduating student na si Ruben Zata Rivera mula sa Mabalacat, Pampanga, marami umano ang nakapagsasabi na kamukha niya si Mimiyuuuh. Ang mga larawan ay kuha mula sa Visual Stories Photo Studio.

“So ayun na nga, maraming nagsasabi na kamukha ko raw si Mimiyuuuh hahaha kaya naisipan ko na siya ang gawin kong creative shots sa grad pic ko,” ang inilagay na caption ni Ruben sa kanyang FB post habang binabahagi ang mga larawan.

Bukod sa buhok, poses at facial expression, sinubukan ding gayahin ni Ruben ang fashion style ni Mimiyuuh.

Imahe mula kay Nisan Mendoza ng Visual Stories Studio, via Ruben Rivera

Hindi rin ito ang unang beses na ginaya ni Ruben ang nasabing vlogger dahil gumawa rin ito ng sariling version ng “It Really Hurts” TikTok video na nag-viral. Nakatakda ang virtual graduation nina Ruben sa January 28.

Dagdag pa niya, isang magandang graduatiion gift ang pag-viral ng kanyang mga litrato ala Mimiyuuuh. I-click ang link upang makita pa ang ibang “Mimiyuuuh creative shots” ni Ruben: Facebook.

Noong Setyembre ng nakaraang taon ay kumasa din siya sa #mimiyuuuhdancechallenge.  “DoorHuh 😂 ayan na tinupad ko na yung challenge niyo.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: