Ion Perez nakakuha ng proyekto sa isang pelikula na walang kinalaman kay Vice Ganda

Imahe mula Instagram
  • Nakilala si Ion Perez dahil sa pagiging parte ng “It’s Showtime” at sa pagkakaroon ng relasyon kay Vice Ganda
  • Marami man ang tumutuligsa sa kanya, kamakailan ay nakakuha naman siya ng isang role sa pelikula na walang kaugnayan sa kanyang relasyon kay Vice
  • Matatandaan na umarte na si Ion sa pelikulang pinagbidahan ni Vice Ganda at sa pelikula ng co-host nito sa It’s Showtime na si Vhong Navarro

Unang nakilala ang 28-anyos na si Ion Perez bilang isang modelo matapos niyang magwagi bilang Mr. Universe Tourism 2018. Siya ay mula sa  Concepcion, Tarlac at inilarawan niya ang sarili bilang isang shy “probinsyano”.

Dahil sa kanyang angking kagwapuhan at ganda ng katawan, marami ang nakapansin sa kanya lalo na nang maitampok bilang isa sa mga escort sa segment ng programang It’s Showtime.

Imahe mula kay Ion Perez via Instagram

Naging madalas ang paglabas ni Ion sa programa hanggang sa unti-unti siyang na-link sa host at komedyante na si Vice Ganda. Pabirong ibinabahagi sa telebisyon ng mga co-host ni Vice ang namumuong relasyon nila ni Ion.

Kaya naman hindi na nagtaka ang marami nang umamin sina Vice at Ion na magkarelasyon sila. Pagkatapos ng pag-amin ay lagi nang nagbabahagi si Vice ng larawan sa social media na kasama ang nobyong si Ion.

Bukod sa pagiging modelo, sinubukan na rin ni Ion ang pag-arte dahil nasabak na rin siya sa It’s Showtime. Noong 2019 ay kabilang si Ion sa pelikulang The Mall, The Merrier;  ang comedy movie nina Vice Ganda at Anne Curtis na official entry sa Metro Manila Film Festival.

Imahe mula kay Vice Ganda via Instagram

Nakasama rin si Ion sa pelikulang pinagbidahan ni Vhong Navarro noon lamang December 2020, ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, official entry din sa 46th MMFF.

Ion Perez reveals most hurtful comment over relationship with Vice Ganda: “Mukha daw pera nanay ko”

Dahil sa kanyang relasyon kay Vice, marami ang gumagawa ng isyu at sinasabing ginagamit lamang ng modelo ang komedyante. Kamakailan nga ay lumabas ang balitang isa sa pinakamasakit na panghuhusga na narinig ni Ion ay nang sabihin na mukhang pera ang kanyang nanay.

Imahe mula kay Sunshine Guimary via Instagram

Subalit ngayon, nakakuha si Ion ng proyekto sa isang pelikula na walang kinalaman kay Vice Ganda o sa sinumang kaibigan nito sa showbiz.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, magiging “love interest” si Ion ng Cebu-based aspiring star na si Sunshine Guimary.

Ang ilan sa mga cast ng pelikulang ito na may pamagat na “Kaka” ay sina Jerald Napoles, Maui Taylor, Gina Pareño, at Rosanna Roces. Malapit na umanong umpisahan ang shooting nito at magiging importante ang role ni Ion dahil siya ang gaganap bilang mystery man sa karakter ni Sunshine.