Inspiring: Abogado engaged na sa ka-date sa sisigan noong P200 lang ang pera niya

  • Nagdala ng inspirasyon ang isang abogado matapos niyang ibahagi ang tungkol sa engagement nila ng kanyang minamahal
  • Kuwento niya, sa isang sisigan sila unang nag-date ng kapareha at P200 lang ang pera niya noon
  • Aniya, walang kaso sa kanyang kasintahan ang pagiging simple ng first date nila

Mapalad ka kung mapupunta ka sa taong handa kang samahan sa hirap man o sa ginhawa; sa taong handang manatili sa iyo gaano man karangya o kasimple ang buhay na mayroon ka, sa taong magiging masaya at kuntento sa mga kaya mong ibigay sa kanya, sa taong mamahalin ka sa kabila ng lahat.

Ito ang klase ng pag-ibig na natagpuan ng isang abogado sa babaeng nakatakda na niyang pakasalan.

Image captured from Twitter

Sa Twitter, ibinahagi ng user na si @AbogadoDK ang tungkol sa engagement nila ng babaeng kanyang pinakamamahal. Sa caption ng kanilang litrato, ikinuwento niya kung gaano kasimple ang first date nila na naganap noong mga panahong nagre-review pa lamang siya sa Bar Examination at ang pangarap pa lamang na maging abogado ang mayroon bukod sa P200 na laman ng kanyang bulsa.

“Una tayong kumain sa sisigan sa UP when I was still reviewing for the Bar. P200 lang pera ko. Sabi mo, oks lang. Now, we’re engaged. I love you!” pagbabahagi niya.

Libo-libong users ang naantig sa post na nakakuha na ng halos 5,000 total shares at lampas 63,000 favorites, as of writing.

“Nakakaiyak naman ‘to,” reply ng Twitter user na si @bibo_kiddo. “Congratulations po, Sir and Ma’am.”

“Ito ung sinasabi kong achieve milestones together. Congrats!” ani @MyMilk4u.

“Congrats,” wika ni @ANeutralizer. “From sisigan sa karinderia to deconstructed sisig in a five-star resto.”

Sabi naman ng ilan, kapag mahal mo ang isang tao, hindi mahalaga kung nasaan kayo o kung ano ang pinagsasaluhan ninyo sa hapag. Ang mahalaga lamang ay mga alaalang nabubuo ninyo sa piling ng isa’t isa.

Image captured from Twitter

Loading...
Source :

Twitter

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: