
- Inamin ni Tanya Garcia na nagkaroon siya ng cru
sh noon sa ka-love team na si Dingdong Dantes - Isinantabi raw niya ang paghanga dahil kaibigan niya ang ex-GF nito na si Antoinette Taus
- Naging mabuti silang magkaibigan ni Dingdong at nagkaroon pa raw siya ng kasintahan noon na kaibigan ng aktor
Bagama’t matagal nang tapos ang tambalan ng popular onscreen partners noon na sina Tanya Garcia at Dingdong Dantes ay naglabasan muli ang dati nilang supporters dahil sa pagbabalik-showbiz ng aktres na matagal-tagal din nawala sa industriya.

Kaya naman sa recent vlog ng kanyang Babawiin Ko Ang Lahat co-star na si Carmina Villarroel, naitanong sa dating “teleserye queen” ng GMA kung nagkaroon ba siya ng espesyal na ugnayan noon sa ka-love team.
Dito, inamin niya na nagkaroon siya ng crush o paghanga sa kapareha ngunit naging mas matimbang pa rin ang respeto niya sa kaibigang si Antoinette Taus na kasintahan noon ng aktor.
“May Antoneitte siya,” ani Tanya. “Siyempre, ‘pag kasama mo naman, almost every day, kasi kahit walang taping, may promo or may ibang guesting, siyempre, magiging crush mo rin, e. Acting kayo nang acting 24/7 na asawa mo or boyfriend mo, e, imposible namang hindi mo magustuhan. It’s just that during that time talaga, I’m friends with Toni kasi, before she left nag-usap kami. So siyempre, ‘di ba, ako, respeto ko sa kanya kasi kaibigan ko siya. Pero siyempre gusto ko si Dong, I mean, katrabaho ko siya, e.”
Naging magkatambal sa GMA noon sina Tanya at Dingdong sa loob ng apat na taon, at kabilang sa mga pinagsamahan nilang proyekto ay ang hit television series noong early 2000s na Sana ay Ikaw na Nga.
Sa halos kalahating dekadang iyon, naging mabuting magkaibigan daw sila at sa katunayan daw ay si Dingdong pa ang naging tulay para makilala niya ang kanyang naging kasintahan noon.
“Kaibigan niya. So, pinamigay niya ako,” natatawang sabi ng aktres.
Panoorin ang vlog ni Carmina: