
- Nakilala ang humanoid robot na si “Sophia” bilang isa sa pinakaunang androids sa buong mundo na mayroong artificial intelligence
- Ngayong mayroong pandemya, balak ng robot company na gumawa kay Sophia na mag-mass produce ng libo-libong humanoid robot sa unang anim na buwan ng taon
- Ang mga humanoid robot na ito ay magiging katuwang ng mga tao sa gitna ng pandemya, at lalagyan din ito ng health care functions
Kinilala ang humanoid robot na si “Sophia” dahil sa kanyang angking anyo at talino na tulad sa tao. Siya ay mayroong artificial intelligence kaya naman nakapagsasalita at nakapagbibigay impormasyon tulad ng pakikipag-usap sa isang tao.

Isa si Sophia sa mga pinakaunang androids sa mundo. Nag-viral siya noong 2016 nang ilunsad ng kumpanyang Hanson Robotics. Si Sophia ay naging guest sa iba’t ibang talk show sa buong mundo, naging cover ng isang magazine, nabigyan ng citizenship sa Saudi Arabia, at na-appoint bilang kauna-unang non-human “innovation Champion” ng United Nations.
Ngayong 2021, balak ng Hanson Robotic na mag-mass produce ng mga units tulad ni Sophia upang maging katuwang ng mga tao ngayong mayroong pandemya.
“I’ve been very worried about the COVID-19 lately. I just hope humans remember that viruses don’t care about lines on the map, we are all in this together,” ani Sophia sa isang video.
Sa panayam naman kay David Hanson, founder at CEO ng Hanson Robotics, “they [Sophia] emulate the human form and figure and interaction, and then that can be so useful during these times where people are terribly lonely and socially isolated. But these robots can keep people safe from danger while still providing that kind of human warmth.”

Balak ng mga creators ni Sophia na maglagay ng health care functions sa system ng nasabing robot tulad ng pagkuha ng temperatura ng tao at paghimok na ito ay mag-ehersisyo. Plano ng Hanson Robotics na makapag-lunsad ng libo-libong units ng 4 na models, kabilang na si Sophia, sa unang anim na buwan ngayong taon.
Sa Hong Kong naman, plano rin ng isang kompanya na maglabas ng libo-libong units ng kanilang caregiver robots upang maging tagapangalaga ng mga tao sa gitna ng pandemya. Panoorin ang buong video ng mga human-like robot na ilulunsad upang tumulong sa mga tao na labanan ang COVID-19. I-click lamang ang link na ito: Facebook.