‘Hindi man ako ‘yung una, I want to be your last’: Magkasintahang biyudo at biyuda, nagkakilala sa online dating

  • Tampok sa pinakabagong programa ng GMA News TV na “IRL” ang kuwento ng biyudo at biyuda na nagkakilala online
  • Inamin ng biyudo na na-love at first sight siya nang unang makita ang profile picture ng nakilalang biyuda online
  • Magkalayo man dahil sa ibang bansa nagtatrabaho ang lalaki, nagkatuluyan pa rin ang dalawa na binabalak na ring magpakasal

Kamakailan ay lumabas ang artikulo tungkol sa naging pag-aaral na mataas ang tsansa ng mga magkasintahan na nagkakilala sa dating apps na magkatuluyan at bumuo ng sariling pamilya.

Imahe mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Mga magkasintahan na nagkakilala sa dating app, mataas ang tsansang maging “forever” ayon sa pag-aaral

Kamakailan din ay naitampok sa bagong programa ng GMA News TV na “IRL” ang kuwento ng biyudo at biyuda na nagkakilala online at ngayon ay masayang nagsasama bilang magkasintahan kahit may edad na. Ang nasabing episode ng IRL ay may pamagat na: ‘Love found online, swipe yes or no?

Parehong sumakabilang-buhay noong 2008 ang mga asawa nina Wines Logenio, 58, at Rose Calacday, 61. Upang sumubok ulit sa pag-ibig, sumali ang biyudo at biyuda sa mga online dating sites, nagbabakasaling makakakita ulit ng magpapatibok sa kanilang mga puso.

Imahe mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Ani Nanay Rose, tinuruan siya ng kanyang kapatid na babae na sumali sa mga online dating.  Habang naging libangan naman ito ni Tatay Wines upang may makausap habang nagtatrabaho sa abroad.

Kuwento ni Tatay Wines, na-love at first sight umano siya nang makita ang profile picture ni Nanay Rose sa isang online dating site. March 2009 nang mag-match ang profile nina Tatay Wines at Nanay Rose at dito na nagsimula ang kanilang pagkilala sa isa’t isa.

Nais na sana ni Tatay Wines na mag-‘eyeball’ o magkita na sila ng naka-match, subalit sinabi naman ni Nanay Rose na mas maiging kilalanin muna nila ang isa’t isa.  Dahil online lang, madalang umanong mag-usap ang dalawa hanggang sa bumalik na dito sa Pilipinas si Tatay Wines at nagkita na nga sila ni Nanay Rose.

Imahe mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Matapos magkita at sa unang date nila ay opisyal nang naging magkasintahan ang biyudo at biyuda. Subalit hindi naglaon, naghiwalay din sila matapos matuklasan ni Nanay Rose na nakikipag-usap pa sa ibang babae online si Tatay Wines.

Sa kanilang paghihiwalay, napagtanto ni Tatay Wines na si Nanay Rose ang kanyang mahal at nais makasama habambuhay. Sinubukan niya itong suyuin ulit at tuluyan na silang nagsama sa iisang bahay na sila mismo ang nagpundar noong 2015.

Ani ng biyudo at biyuda, balang araw ay nais din umano nilang magpakasal. “Hindi man ako ‘yung naging una mo, pero I prepare myself to be your last,” ani Nanay Rose kay Tatay Wines.


Loading...
Source :

YouTube, DF Buzz

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: