
- Nagbahagi ng mga throwback photos si H
eart Evangelista sa kanyang Instagram stories kung saan makikita ang kanyang batang hitsura - Kabilang sa mga throwback photo na ibinahagi niya ay mga larawan ng namayapang si Sen. Miriam Defensor-Santiago na itinuring niyang pangalawang ina
- ‘If only I had a YouTube channel back then’ ani H
eart kalakip ang larawan nila ng senador
Isa ang Kapuso actress at ngayon ay social media influencer na si Heart Evangelista sa mga labis na naapektuhan sa pagpanaw ng dating senador na si Miriam Defensor-Santiago. Matatandaan na si Sen. Miriam ang nagpakilala sa aktres ng kanyang asawa ngayon; ang governor ng Sorsogon na si Chiz Escudero.

Sa isang panayam noong 2012, ibinahagi ni Heart na bukod kay Chiz, ay ipinakilala rin siya ni Sen. Miriam sa ibang bachelors.
“She made me go out with Chiz. She even has a list of people whom she thinks I should know. She said, ‘Take your time with this one. Tell me what you think (of him). If you don’t like (him), then we’ll try another.’”
Itinuring ng aktres bilang pangalawang ina si Sen. Miriam, kaya naman isa siya sa mga nagbigay ng eulogy sa lamay ng senadora nang yumao ito noong 2016.
“I got to know her more than how other people knew her to be, and in my own honest opinion, she was the greatest. She was the queen that we never had,” ani Heart sa kanyang isinulat na artikulo tungkol sa namayapang senador.

Kamakailan, nagbahagi ang aktres ng mga throwback photos sa kanyang Instagram stories. Dito inalala niya ang kanyang kabataan, at kabilang sa mga ibinahaging larawan ay noong mga panahon na nabubuhay pa si Sen. Miriam.
“If only I had a YouTube channel back then,” ang caption ni Heart sa larawan kung saan makikita na abot tenga ang kanyang ngiti habang nakatitig kay Sen. Miriam. Nakilala ang senador dahil sa kanyang talino at katapangan sa senado, kaya naman kung siya ay nabubuhay pa hanggang ngayon ay tiyak na lagi siyang kasama sa vlog ng aktres.

Nagpasalamat naman si Heart dahil sa mga nakatagong larawan na kanya pa umanong nahalungkat sa icloud.
‘Yung gumising ka tapos 16 years na pala ang lumipas. Wow. Time flies…turning 36 soon… glad I took many pictures. And I plan to take many more pictures, the turn of events, the reason of life is a mystery but there’s always a rhyme and reason.”