
- Nagpaalam na sa ABS-CBN si Gretchen Ho na ngayon ay isa nang Kapatid sa TV5 network
- Lubos ang pasasalamat ni Gretchen sa kanyang unang tahanan na ABS-CBN kung saan nagsimula ang kanyang karera bilang host
- Sa bagong network, magiging news anchor at host si Gretchen ng iba’t ibang news program kung saan makikita ang “more mature Gretchen Ho”
Unang nakilala ang atletang si Gretchen Ho bilang isang manlalaro sa UAAP volleyball sa ilalim ng koponan ng Ateneo Lady Eagles. Nakilala siya bilang bahagi ng Ateneo Lady Eagles “Fab 5” — Jem Ferrer, Dzi Gervacio, Fille Cainglet-Cayetano, Ailysse Nacachi, Gretchen Ho — ang mga iniidolong manlalaro noon sa UAAP volleyball.

Matapos ang kanyang karera bilang atleta sa UAAP, nakapasok si Gretchen sa ABS-CBN noong 2013 bilang isang sports commentator. Hindi naglaon, naging TV host at field reporter na rin siya sa iba’t ibang programa ng Kapamilya network.
Naging bahagi rin ang 30-anyos na si Gretchen sa morning show na Umagang Kay Ganda, subalit dahil sa pagkansela ng franchise renewal ng ABS-CBN ay tuluyan nang naglaho sa ere ang nasabing morning show, at marami pang programa ng ABS-CBN.

Subalit hindi rito nagtatapos ang karera ni Gretchen dahil kamakailan lamang ay tuluyan na siyang pumirma ng kontrata sa ilalim ng TV5 network at Cignal TV. Sa isang online press conference bilang pag-welcome kay Gretchen, inanunsyo ng TV5 na siya ay magiging bahagi ng mga news program na Frontline Pilipinas at The Big Story ng One News.
“This is probably a more mature Gretchen Ho that you will be seeing and I’m looking forward to doing more stories and also to producing my own show,” ani ng newest Kapatid sa nasabing press conference. Hindi naman niya nalimot na magbigay ng mensahe sa unang naging tahanan, ang ABS-CBN.

Sa Instagram, ibinahagi ni Gretchen ang pag-uumpisa ng kanyang karera bilang Kapamilya.
“I have been working with ABS-CBN for a good 7-8 years, but as a UAAP athlete I consider my tenure so much longer than that. I have nothing but gratitude for the network that helped our sport grow leaps and bounds, in the same way that they have helped me grow from being an athlete, to being a host, to being a news person.”
Subalit aniya, panahon na upang madagdagan pa ang kanyang mga karanasan sa napiling karera; “…to continue on pursuing my personal calling. I’m excited for the opportunities ahead as I start on my new chapter with Cignal & TV5.”
View this post on Instagram