‘Eto na yung dream life ko’: Chito Miranda may mensahe tungkol sa pagiging successful ng isang tao

  • Libo-libong heart reactions ang natanggap ng Facebook post ni Chito Miranda na nagpapakita ng larawan ng kanyang anak
  • Nabanggit ni Chito na nakamit na niya ang pinapangarap na buhay: ang magawa ang kahit anong gustuhin niya sa kahit anong panahon at nang walang pag-aalinlangan
  • Sinabi rin niya na hindi nakabase sa kinikitang pera ang pagiging tagumpay kundi sa pagiging kontento sa buhay

Sa iyong sariling opinyon, paano masasabi na ang isang tao ay tagumpay na ang narating sa buhay, karera, at pag-ibig? Ito ba ay nakadepende sa dami ng nakamit at naipundar? O kaya ay nahanap na ang kanyang “the one?”

Imahe mula kay Chito Miranda via Facebook

Maraming tao ang nangangarap ng kasaganahan sa buhay — maraming pera, magandang posisyon sa trabaho, at masayang pamilya. Subalit para sa musician at vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, simple lamang ang kanyang dream life: “Lakad-lakad lang sa village habang kumakain ng mansanas.”

Sa isang Facebook post ni Chito na umani na ng mahigit 3,000 reactions na karamihan ay heart react, sinabi niya na nakamit na niya ang pinapangarap, ito ay ang mamuhay nang simple kasama ang kanyang pamilya. Napagtanto niya ito matapos makita ang anak na si Miggy na naglalakad sa kanilang village habang hawak-hawak ang kinakaing mansanas.

“Na-achieve ko na… Simply being able to do whatever I want, whenever I want to, without worrying about anything,” ayon sa post si Chito.  Sinabi rin niya na ang tagumpay ay hindi nasusukat ng dami ng kinikitang pera o pagiging mataas ang posisyon sa isang kompanya.

Imahe mula kay Chito Miranda via Facebook

“I think it’s more of having enough, and having the free time to enjoy the simple things in life with the people who matter to you most,” dagdag pa ng Parokya ni Edgar vocalist.

Marami namang netizen ang sumang-ayon sa post ni Chito. “What a beautiful way to describe your successful life. Nothing comes easy, you know you’ve worked hard for it. You’re fortunate to have achieved all you’ve got right now. Hard work pays off and everything falls in the right place,” ani ng isang netizen.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: