
- Kinumpirma ng governor ng San Diego, California kamakailan na nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang gorilla sa San Diego zoo matapos silang makitaan ng mga sintomas ng virus
- Maituturing na ito ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa mga apes, at hindi pa matukoy kung ito ay human to ape transmission
- Kasalukuyan nang naka-isolate ang dalawang gorilla na nagpapakita ng sintomas ng pag-ubo
Bukod sa mga tao, hindi rin ligtas sa COVID-19 ang mga hayop. Napabalita na nagpositibo rin sa coronavirus ang mga tigre sa Bronx Zoo sa New York, habang apat naman na lion mula Barcelona Zoo ang nagpositibo rin sa COVID-19.

Sa California, hindi rin nakaligtas ang mga hayop sa San Diego Zoo matapos kumpirmahin ng kanilang governor na si Governor Gavin Newsom sa kanyang latest coronavirus update sa state na dalawang gorilla ang nagpositibo sa COVID-19 matapos silang makitaan ng sintomas ng virus.
Sa ngayon ay inaalam pa kung kanino o saan nahawa ng COVID-19 ang dalawang gorilla, may posibilidad umano na nahawa sila sa “asymptomatic staff member” ng zoo o kaya ay sa mga kapwa hayop din.
Ani sa inilabas na pahayag ng San Diego Zoo Safari Park website, mahigpit nilang ipinatutupad ang lahat ng COVID-19 safety precautions mula sa rekomendasyon ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention.

Ilang awtoridad sa nasabing zoo ang pinasimulan ang pagpapatupad ng COVID-19 test sa mga gorilla gamit ang kanilang dumi matapos ubuhin ang dalawa sa kanila. Pagkatapos ang dalawang araw ay lumabas na ang resulta at nakumpirma na dalawang gorilla nga mula sa “gorilla troop” ng zoo ang positibo sa COVID-19.
“The test results confirm the presence of SARS-CoV-2 in some of the gorillas and does not definitively rule out the presence of the virus in other members of the troop,” ayon sa inihayag U.S. Department of Agriculture National Veterinary Services Laboratories.
“Aside from some congestion and coughing, the gorillas are doing well. The troop remains quarantined together and are eating and drinking. We are hopeful for a full recovery,” ang salaysay naman ni Lisa Peterson, executive director ng San Diego Zoo Safari Park.
Ang kasong ito ng dalawang gorilla sa San Diego zoo ang kauna-unahang confirmed case ng COVID-19 sa pagitan ng mga apes.