‘COVID-19 is a universal problem’: Manila LGU, tatanggap din ng mga hindi residente sa Maynila na magnanais magpabakuna

  • Inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno na bubuksan ng kanilang tanggapan ang pagpapabakuna hindi lamang sa mga residente ng lungsod kundi maski sa ibang mga hindi residente rito
  • Una nang nagkaroon ng kasunduan ang Manila LGU at AstraZeneca para sa matatanggap na 800,000 COVID-19 vaccines
  • Inilunsad na rin ng Manila LGU ang mga COVID-19 vaccine refrigeration units sa Sta. Ana Hospital

Isang malaking usapin at isyu ngayon dito sa bansa ay ang pagkuha ng ating gobyerno at mga lokal na pamahalaan ng bakuna laban sa COVID-19. Sa ngayon ay wala pang natatanggap na opisyal na bakuna ang Pilipinas bukod sa mga napabalitang “unregistered” COVID-19 vaccines na natanggap ng presidential security group o PSG.

Imahe mula Freepik

Sa ngayon, napabalita na nagkaroon na ng kasunduan ang ating pamahalaan sa pagkuha ng mga bakunang Sinovac mula China at AstraZenica na gawa ng British-Swedish. Inaasahang ang unang batch ng mga bakuna ay darating dito sa bansa sa susunod na buwan.

Una nang inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno na ang kanilang lokal na pamahalaan ay nagkaroon na ng “tripartite deal” sa pagitan ng national government at AstraZenica upang makatanggap ang lungsod ng nasa 800,000 COVID-19 vaccines.

Bilang paghahanda sa darating na libo-libong vaccines, inilunsad na rin ng tanggapan ni Mayor Isko ang pagpapagawa ng COVID-19 vaccine refrigeration units. Kamakailan ay nagkaroon na ng siyam na COVID-19 vaccine refrigeration units sa  Sta. Ana Hospital kung saan din po ilalagay ang ating COVID-19 Vaccine Storage Facility.

Imahe mula Facebook | Isko Moreno Domagoso

“Limang Haier HYC-390 refrigeration units po ang dumating sa Sta. Ana Hospital kung saan natin ilalagay ang vaccine doses ng AstraZeneca at Sinovac, at apat na biomedical freezers kung saan maaaring ilagay ang Johnson&Johnson at Moderna vaccine vials,” ayon sa Facebook post ni Mayor Isko.

Bagama’t para sa lungsod ng Maynila at mga residente nito ang hinihintay na bakuna ng Manila LGU, sinabi ni Mayor Isko na handa silang bakunahan maski hindi mga residente ng Maynila.

Imahe mula Facebook | Isko Moreno Domagoso

“Manilans at non-Manilans, puwede po kayo magpabakuna sa Manila LGU sa sandaling dumating ang bakuna. COVID-19 is a universal problem. It has to be addressed inclusively,” ayon sa pahayag ni Yorme kamakailan sa kanilang directional meeting.

Matatandaan na binuksan din ng Manila LGU ang kanilang mga libreng COVID-19 drive-thru testing facility para sa mga residente at hindi residente ng lungsod na nais sumailalim sa swab testing.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: