‘Bakit ako mag-aantay sa lalaki’: Ivana Alawi bumili ng 8-carat diamond ring bilang birthday present sa sarili

  • Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Ivana Alawi kung ano-ano ang mga regalo na kanyang natanggap para sa kanyang ika-24 na kaarawan
  • Marami sa mga regalong ito ay nagmula sa fans ni Ivana na alam na alam kung ano ang kanyang hilig
  • Ibinahagi rin ni Ivana ang kanyang regalo sa sarili na isang 8-carat diamond ring na sumisimbolo sa kanyang “self-love”

Maraming Pinoy fans ang nakaalala sa kaarawan ng kilalang vlogger, aktres, at influencer na si Ivana Alawi dahil ito ay ipinagdiriwang tuwing December 25, ang araw ng Pasko at kapanganakan ni Hesus.

Imahe mula kay Ivana Alawi via YouTube channel

Bumuhos ang birthday greetings online para kay Ivana. At sa kanyang isang vlog ay itinampok niya kung paano nila ipinagdiwang ng kanyang pamilya ang Pasko at ang kanyang ika-24 na kaarawan. Ayon kay Ivana, hindi niya hangad ang engrandeng selebrasyon basta’t buo at magkakasama silang pamilya.

Sa kanyang latest vlog, ibinahagi naman ni Ivana ang mga regalong kanyang natanggap sa kanyang katatapos lang na kaarawan. At dahil lahat ng mga regalong pagkain ay kanya nang kinain pagkabigay pa lamang sa kanya, puro mga gamit na lamang ang naitampok niya sa kanyang vlog.

Karamihan sa mga natanggap na regalo ni Ivana ay mga gamit mula sa mga kilalang brand tulad ng Chanel, Balenciaga, Louis Vuitton, at Hermes. Dalawang regalo naman ang ibinigay sa kanya ng nakababatang kapatid na si Mona: ang una ay kape at mga baso, at ang pangalawa naman ay isang cappucino maker na labis na ikinatuwa ni Ivana na mahilig sa kape.

Imahe mula kay Ivana Alawi via YouTube channel

Bukod sa mga natanggap na regalo, ibinahagi rin ni Ivana ang regalong ibinigay niya sa kanyang sarili. Bukod sa biniling tatlong designer shoes para sa sarili, may isang regalo siya na sumisimbolo umano sa kanyang “self-love”—ang 8-carat diamond ring.

“Bakit ako mag-aantay sa lalaki, eh ‘di bilhan ko na lang sarili ko, ‘di ba? It’s just a symbol to love myself. Parang gift ko talaga siya para sa sarili ko,” ani Ivana na  sinabing maituturing din na investment ang biniling diamond ring.

“Hindi ako engaged, I am just loved. This is my gift to myself and I’m so proud kasi it’s a reminder to work hard for your dreams, kasi dati pangarap ko lang talaga ‘to eh. Tapos ‘di ba, naging sa akin na siya, and it’s just a dream come true. I will treasure this tapos ‘yung mga anak ko, sila mga makakamana nito,” ani Ivana.

Panoorin ang buong vlog dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: