‘Baka akala ng mga tao tinatanggal ko mga co-host ko’: Pagkawala ni Ariella Arida sa Wowowin, nilinaw ni Kuya Wil

  • Naging guest kamakailan sa programang Wowowin Tutok to Win sina Ariella Arida at Direk Edgar “Bobot” Mortiz
  • Naungkat sa kanilang usapan ang biglang pagkawala ni Ariella bilang co-host ni Kuya Wil sa Wowowin
  • Nilinaw ni Kuya Wil na hindi niya tinanggal si Ariella bilang co-host at pumunta ito sa Las Vegas dahil sa Miss Universe

Isa na marahil si Willie Revillame o mas kilala sa tawag na Kuya Wil sa pinakakilalang host dito sa bansa dahil na rin sa kanyang programang marami nang natulungan na mga Pinoy.

Imahe mula sa video ng Wowowin via YouTube channel

At sa kasalukuyan niyang programa na “Wowowin Tutok to Win” sa GMA Network ay patuloy na namamahagi ng mga papremyo at pera si Kuya Wil sa mga Pinoy na nangangailangan. Mula Lunes hanggang Biyernes ang programa, kasama ni Kuya Wil ang mga co-host na marami na rin ang nawala at may mga bago namang pumalit.

Kamakailan ay kabilang sa guest ng programa ang beauty queen na siAriella Arida at ang kilalang direktor na si Edgar “Bobot” Mortiz. Habang masayang nag-uusap, naungkat ni Direk Bobot ang pagkawala umano ni Ariella bilang co-host ni Kuya Wil sa programa.

“Anong nangyari? Na-in love ka ba o ano?” tanong ni Direk Bobot sa pagkawala ni Ariella bilang co-host sa Wowowin. Natawa naman ang beauty queen sa tanong at tila pinaubaya na lamang kay Kuya Wil ang pagpapaliwanag sa nangyari.

Imahe mula sa video ng Wowowin via YouTube channel

Kuwento ng Wowowin host, masama ang pakiramdam niya noon at si Ariella sana ang naisip na hahalili sa kanya sa pag-host. Subalit bigla umano itong nagpaalam sa kanya na pupunta sa Las Vegas dahil sa isang Miss Universe event na hindi niya umano kayang tanggihan.

“Baka akala ng mga tao tinatanggal ko mga co-host ko, hindi ho! Sila ang nawawala,” paglilinaw ni Kuya Wil. At hindi man nakabalik pa bilang co-host ay nanatiling magkaibigan sina Ariella at Kuya Wil. Lagi umanong dinadalaw ng beauty queen si Kuya Wil at nireregaluhan din ito tuwing may okasyon.

Paalala ng Wowowin host, “Tandaan n’yo ho ang patakaran ko lang sa programang ito is be professional.” Sinabi rin niya na mahigpit siya pagdating sa oras, “‘yung mga janitor galing ng Batangas, galing ng malayong lugar, magkano lang suweldo niyan P550 lang pero on time di ba? Eh kayo daang-daang libo ang sinusuweldo n’yo tapos…” birong paaalala ni Kuya Wil sa mga katrabaho.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: