Ano na? 2021 na! James at Nadine magkasamang nag-hike; James Reid front cam challenge kinaaaliwan online

  • Isang taon pagkatapos maibalita ang hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre, nanatiling magkaibigan ang dalawa
  • Sa umpisa ng 2021, magkasamang umakyat ng bundok sina James at Nadine kapiling na rin ang kanilang mga kaibigan
  • May nakapagkumpirma na nagkabalikan ang dalawa subalit wala pang kumpirmasyon mula sa kanilang panig

‘Ano na? 2021 na!’ Matatandaang ganitong klaseng pahayag ang nabanggit ng aktres at singer na si Nadine Lustre nang madawit ang kanyang pangalan at ng mga kaibigan tungkol sa mga kontrobersiya.

Imahe mula kay James Reid via Instagram

Noong nakaraang taon, maraming JaDine fans ang nagulat sa balitang hiwalayan nina James Reid at Nadine sa unang bahagi pa lamang ng 2020. Dahil hindi malinaw ang dahilan ng kanilang hiwalayan, marami ang nagkaroon ng haka-haka at may mga pangalan na nadawit.

Bagama’t naghiwalay na ay nanatili pa rin umanong magkaibigan sina James at Nadine; magkasama sa mga proyekto tulad ng paggawa ng album at patuloy na nakikitang magkasama sa mga litrato at video na ibinabahagi ng kanilang mga kaibigan.

At ngayong taon, magkasama muling nag-hike sina James at Nadine tulad ng kanilang ginawa noong nakaraang taon pagkatapos ianunsyo ang kanilang hiwalayan. Kasama nina James at Nadine ang kanilang mga kaibigan sa pag-akyat ng bundok, kabilang na si Jeriko Tan, COO ng Careless Music Manila na nagbahagi ng groufie kasama sina James at Nadine.

Imahe mula kay Jeriko Tan via Instagram

Ayon sa inilabas na ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP), nagkabalikan ang dalawa na nag-umpisa noong May 2020 nang batiin ni Nadine si James sa kanyang ika-27 na kaarawan.

Subalit hindi ang pagbabalikan ng dalawa ang naging usap-usapan sa social media kundi ang mga larawan ni James na kuha sa front camera ng kanyang video habang nagha-hike. Makikita sa video ang mukha lamang ni James at ang kanyang mahabang buhok.

Imahe mula Facebook

Dahil sa mga larawang ito ni James, maraming kalalakihang Pinoy ang napasabi ng “unfair!” dahil mahaba rin ang kanilang buhok tulad ni James, subalit hindi naman sila kasingwapo tulad niya.

Maraming netizen ang nangalap ng mga larawan ng kalalakihan na nais makipagsabayan sa larawan ni James at tinawag itong “James Reid front cam challenge.” Ikaw, kakasa ka ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by James Reid (@james)


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: