
- Sa kanyang Instagram account, sunod-sunod na nagbahagi si Charlene Gonzalez Muhlach ng larawan ng kanyang anak na si Andres Muchlach
- Kalakip ng mga larawan na ibinahagi ni Charlene ang kanyang mensahe sa unico hijo na pumuntang Spain upang doon mag-aral ng college
- Ani Charlene, lubos ang nararamdaman niyang hirap sa pagpapaalam sa anak subalit buo ang kanilang suporta ng asawang si Aga sa pag-aaral ng mga anak
Isa na marahil ang mag-asawang sina Charlene Gonzalez at Aga Muhlach sa maituturing na may pinakamagagandang lahi sa industriya ng showbiz. Isang dating beauty queen si Charlene habang ang multi-awarded actor na si si Aga ay maituturing na heartthrob sa showbiz.

Kaya naman labis ang tuwa ng maraming Pinoy fans nang magkatuluyan sina Aga at Charlene. Doble ang kanilang excitement nang ipanganak ni Charlene ang kambal na sina Andres at Atasha Muhlach na parehong namana ang ganda ng mukha ng kanilang mga magulang.
Lumaki sa mata ng maraming Pinoy sina Andres at Atasha na naitampok na sa iba’t ibang patalastas. At noon ngang May 2020 ay nagtapos na sa highschool sina Andres at Atasha na ikinatuwa ng kanilang mga magulang.
Bilang bagong yugto sa buhay ng kambal, pinili ni Andres na mag-aral ng kolehiyo sa Spain at kamakailan nga ay nagtungo na siya rito. Binaha naman ni Charlene ang kanyang Instagram feed ng mga larawan ni Andres at kanyang mensahe sa pag-alis ng kanilang anak upang ipursigi ang pag-aaral sa Espanya.

“The day has come where you are starting a new chapter in your life as you head out to college. As a mom, you imagine and know that someday, that day will come but you always think it’s too far away for it to be a reality,” ani Charlene sa kanyang IG post kalakip ang larawan ng 19-anyos na anak.
Ani pa ng dating beauty queen, mahirap ang naging desisyon nila dahil nag-aalala rin sila sa magiging kalagayan ni Andres lalo pa at nasa 2 million ang kaso ng COVID-19 sa Spain.
“It was a very difficult decision to make, but you really wanted to continue your studies on campus and as parents we will be here to support and guide you every step of the way.”

Para naman sa kakambal niyang si Atasha, kasalukuyan umano itong kumukuha ng online course sa isang kolehiyo sa United Kingdom. “She will continue to study online this semester and Atasha will be on campus the following school year in the UK.”
“Ang hirap mag-let go for any mom but going off to college will be a wonderful experience for all children. As parents, we provided them wings, but now it’s their turn to fly,” pagtatapos ni Charlene sa kanyang post.