‘Agad-agad? Now na?’ Jodi Sta. Maria nabigla nang ipakilala ng anak na si Thirdy ang nobya

  • Sa kanyang latest vlog ay nagkaroon ng question and answer portion si Jodi Sta. Maria kasama ang kanyang anak na si Panfilo Lacson III o Thirdy
  • Natanong sa Q&A ang naging reaksiyon ni Jodi nang ipakilala sa kanya ni Thirdy ang nobya nito
  • Ani Jodi, tanggap niyang darating ang panahon na magkakaroon ng nobya ang anak subalit hindi niya sukat akalain ang mabilis na pagdating ng araw na iyon

Sa unang araw ng 2021 ay nagbahagi ng kanyang special vlog ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria. Sa vlog ay kasama niya ang nag-iisang anak na si Panfilo Lacson III o kilala rin sa tawag na “Thirdy” o “Moy.”

Imahe mula YouTube

Sa vlog na ito na may title na “Thirdy does my make-up challenge,” nagkaroon ng question and answer portion ang mag-inang sina Jodi at Thirdy na galing mismo sa mga viewers ng vlog ni Jodi.

Habang nilalagyan ng make-up ni Thirdy ang ina ay sumasagot sila ng mga katanungan.  Isa nga sa mga natanong ay kung ano ang naging reaksiyon ni Jodi nang unang beses na ipakilala ni Thirdy ang kanyang nobya.

“Alam ko naman na darating yung time na magkakaroon ng girlfriend si Thirdy, it was just, it came  as a surprise lang to me dahil  parang hindi ko ine-expect na ‘eto na,’ agad-agad, now na? So, mas na-surprise, ‘yun ang aking initial reaction,” kuwento ni Jodi na inaming bine-baby pa ang labinlimang taong gulang na anak.

Imahe mula Instagram

Tinanong din kung anong kurso ang kukunin ni Thirdy sa kolehiyo na sinagot naman niya na hindi pa siya sigurado at hindi pa umano niya iniisip. Wala rin umano siyang balak pasukin ang showbiz kahit noong bata pa ay gumawa na siya ng mga commercial kasama si Jodi.

Naging emosyonal din ang mag-ina dahil sa Q&A nang itanong kung ano ang palaging pinapaalala ni Jodi sa kanyang anak, “I would always tell him na it’s important to love and respect people regardless of yung kanilang gender.”

At nang tanungin naman si Thirdy kung ano ang maibibigay niya sa kanyang ina at bakit, “si Mommy, deserve niya ‘yung buong mundo. Kasi lahat ng sacrifices ni Mommy para sa akin, hindi ko magagawa iyon para sa kaniya, eh. Ngayon ngang may COVID, kaysa mag-rest siya, nag-wo-work hard siya para sa amin, para may malagay sa table namin. ‘Yung mga mommy talaga, para silang superheroes.”

Panoorin ang buong vlog dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: