ABS-CBN nagbabala tungkol sa maling report na inilabas gamit ang kanilang logo at website
- Kamakailan ay lumabas ang balitang yum
ao na ang dating dating world champion sa billiards na si Efren “Bata” Reyes - Ang nasabing balita ay maituturing na “fa
ke news” kung saan ang ABS-CBN logo at hitsura ng website pa nito ang ginamit upang ipalaganap ang hindi totoong balita - Nagbabala ang ABS-CBN tungkol sa mga kumakalat na maling balita o impormasyon gamit ang kanilang pangalan at logo
Marami mang mabubuting bagay ang dala ng modernisasyon ngayon, kalakip naman nito ay iba’t ibang panloloko at pambibiktima sa mga tao gamit ang mismong mga teknolohiya at social media na pinagkakatiwalaan ng tao sa buong mundo.

Isa sa mga klase ng panloloko sa panahon ngayon ay ang paggawa at pagkalat ng fake news. Maraming dahilan kaya kumakalat ang iba’t ibang fake news — maaaring pananabotahe ito, pagbibigay ng pangamba sa publiko, o kaya ay upang magpakalat ng maling impormasyon sa maraming tao.
Bahagi na ng social media ang pagkakaroon ng fake news; kaya naman madalas na nagbibigay babala ang pamahalaan at mga eksperto sa mga Pilipino lalo na kung kahina-hinala ang nakikita nilang balita sa social media. Hindi ibig sabihin na nasa social media ito ay nagpapahiwatig na rin ito ng katotohanan. Kahit sino ay maaari nang magpakalat ng fake news.
Kamakailan ay lumabas ang balitang namaalam na umano sa mundo ang dating world champion sa billiards na si Efren “Bata” Reyes. Ang balita ay kumalat sa social media at isa ang ABS-CBN sa mga ginamit upang ipakalat ang fake news na ito.

Mismong si Reyes ang nagpadala ng video sa ABS-CBN upang pabulaanan ang lumabas na balita. Aktibo at nakapaglalaro pa ng billiards ang dating world champion.
Subalit logo at pangalan man ng ABS-CBN ang isa sa mga naglabas ng ganoong balita tungkol kay Reyes, sinabi ng TV Network na ginamit lamang ang kanilang pangalan at logo upang magpakalat ng maling impormasyon.

“DISINFORMATION ALERT: Binago ang istorya at ginamit ang logo at byline ng ABS-CBN News sa istoryang ito,” ang pahayag ng network.
Kung titignang maigi ang lumabas na mga balita mula sa orihinal na artikulo kumpara sa fake news, makikitang inedit lamang ang pangalan at logo ng ABS-CBN at ginaya ang istilo ng kanilang website upang maging kapanipaniwala.
Tandaan na huwag basta-basta maniniwala sa mga nakikita sa social media. Mahalagang magsaliksik pa nang maigi, at tulad nga ng laging pinapaalala sa publiko: think before you click.