A father’s love: Rider naghanap ng Blackpink album upang iregalo sa kaarawan ng kanyang anak

  • Isang online shop na nagtitinda ng mga album ng K-pop group ang nagbahagi ng kuwento tungkol sa isang tatay na naghahanap ng album ng kilalang girl group na Blackpink
  • Sa kagustuhang matulungan ang tatay, naghanap ang nasabing online shop ng iba pang shop na nagtitinda ng BP album
  • Ibinigay na lang nang libre ang BP album sa tatay na labis na ikinatuwa ng kanyang anak

Hindi na maipagkakaila na maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa iba’t ibang K-pop idols o groups.  Bagama’t marami na ang fans ng mga K-pop groups dito sa bansa, kakaunti lamang ang nakapagbebenta ng mga album dahil kinakailangan pa itong kunin mula sa  South Korea.

Imahe mula sa 7for7Shoppe via Facebook

Kaya naman mahabang pasensya at pera ang kinakailangan ng  mga solid fans na nais makakuha ng album ng kanilang mga iniidolong K-pop group.

Isang online shop na nagtitinda ng mga album at merchandise ng K-pop boy group na GOT7 ang nagbahagi sa Twitter ng isang nakaaantig na kuwento tungkol sa isang ama na matiyagang naghahanap ng album ng isa ring kilalang K-pop group na Blackpink.

Kuwento ng isa sa may-ari ng 7for7Shoppe na si Aly, nag-text umano sa kanila si Ralph Paul De Leon, isang rider ng courier service na ABest Express. Nagtanong ito kung mayroong tinitindang “The Album” ng Blackpink ang nasabing shop dahil ito umano ang iniidolo ng kanyang anak na malapit nang magdiwang ng kaarawan.

Imahe mula sa 7for7Shoppe via Facebook

Subalit dahil karamihan sa tinitinda nina Aly at ng kanyang mga kaibigan na sina Gab at Ianna ay mga GOT7 album at mechandise, sinabi umano nila kay Mang Ralph na hahanapan nila ito ng album ng Blackpink.

Kuwento pa ni Aly, nang makahanap na sila ng album ng Blackpink ay naisipan nilang ibigay na lang ito nang libre sa anak ni Mang Ralph na si Yawina.

“I think na albums are expensive talaga. It’s not for all kumbaga. So sa ‘kin parang instead of selling it, why not just give it instead,” ani Aly sa kanyang panayam sa The Philippine Star.

Imahe mula sa 7for7Shoppe via Facebook

“We are fans too kaya alam namin the happiness it could give to someone. And cute kasi talaga ng dad, ang supportive,” dagdag pa niya. Nang sabihin nila ang magandang balitang ito kay Mang Ralph at Yawina ay halos hindi umano nakatulog ang dalaga sa sobrang pagkasabik.

Natanggap na kamakailan ni Yawina ang The Album ng Blackpink kasama ang ilang photo cards at poster ng mga miyembro nito. Ito umano ang kauna-unahang Blackpink merchandise ni Yawina kaya naman todo ang kanyang naging pasasalamat.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: