6-anyos na bata ‘di sinasadyang gumastos ng $16,293 para sa paboritong mobile game

Image via Pixabay
  • Laking gulat ng isang ina nang malamang mahigit $16,000 na ang ginastos ng anak sa paborito nitong mobile game
  • Napansin ni Jessica Johnson ang malaking bawas sa kanyang Chase account mula sa Apple at PayPal
  • Nalaman niyang sa Sonic Forces pala gumastos ang kanyang anim na taong gulang na anak

Laking gulat ng isang ina mula sa Connecticut nang malamang mahigit $16,000 na pala ang nagastos ng kanyang anak sa paborito nitong mobile game na Sonic Forces.

Image via Google Play

Ayon kay Jessica Johnson, isang real-estate broker, napansin na lamang niya bigla ang malaking bawas sa kanyang Chase account mula sa Apple at PayPal. Sa kalaunan, pinayuhan siya ng bangko na makipag-ugnayan na mismo sa Apple. Dito niya nalaman na ang nasa likod ng lahat ay ang kanyang anim na taong gulang na anak na bumili ng mga item sa Sonic Forces. Nagsimula umano ang anak sa pag-purchase ng $1.99 red rings hanggang sa $99.99 gold rings na ang pinagkagastusan nito sa kagustuhang magkaroon ng mga karagdagang characters at features.

Gayunman, bagama’t natukoy niya ang dahilan ng unexpected charges, wala na raw magagawa para mabawi pa ang malaking halaga na siningil sa kanya dahil hindi raw siya nakipag-ugnayan sa Apple sa loob ng 60 araw.

“They said, ‘Tough.’ They told me that, because I didn’t call within 60 days of the charges, that they can’t do anything,” ani Jessica sa panayam sa kanya ng New York Post. “The reason I didn’t call within 60 days is because Chase told me it was likely fraud—that PayPal and Apple.com are top fraud charges.”

Isang paalala

Para kay Jessica, tila isang patibong ang mga ibinebentang item sa game na posibleng malaro ng mga paslit.

“What grown-up would spend $100 on a chest of virtual gold coins?” wika niya. “My son didn’t understand that the money was real. How could he? He’s playing a cartoon game in a world that he knows is not real. Why would the money be real to him? That would require a big cognitive leap.”

Images via Google Play

Dahil dito, hinimok niya ang mga kapwa niya magulang na siguraduhing maayos ang security at payment settings ng kanilang mga smartphone.

“Obviously, if I had known there was a setting for that, I wouldn’t have allowed my six-year-old to run up nearly $20,000 in charges for virtual gold rings,” sabi pa niya.