Tekla natanggap na ang Silver Play Button sa YT; namahagi ng Noche Buena package sa mga basurero, vendor, atbp.

  • Kahit baguhan pa lamang sa pagba-vlog, nasa 800k na ang subscribers ng komedyante na si Super Tekla
  • Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Tekla na natanggap na niya ang Silver Play Button mula sa YouTube
  • Upang ipagdiwang ang bagong kabanata ng kanyang career at magbahagi ng blessings, namigay ang komedyante ng Noche Buena package sa mga kababayan

Nasangkot man sa isang malaking isyu kamakailan, hindi naman nito napigilan ang komedyante na si Super Tekla, o Romeo Librada sa totoong buhay, na magbigay saya sa maraming Pinoy dito at sa ibang bansa.

Imahe kuha mula sa video ni Super Tekla via YouTube channel

Kuwento ni Tekla, simula noong marami ang sumuporta at natuwa sa tambalan nila ng kapwa komedyante na si Donita Nose sa isang nakaaliw na video, napagdesisyunan nila na mag-focus sa kanilang mga YouTube channel at mag-umpisa na sa vlogging.

“Every single point sa aking YouTube channel ay dapat nating i-cherish ‘yan, dapat nating i-celebrate bilang pagpapasalamat at pagbibigay-pugay para sa inyong walang sawang pag-like, pag-share, at pag-subscribe,” pahayag ni Tekla matapos matanggap ang Silver Play Button dalawang linggo na umano ang nakaraan.

Imahe kuha mula sa video ni Super Tekla via YouTube channel

Ipinangako ng komedyante sa kanyang mga subscribers na ang content ng kanyang video ay magkakaroon ng charitable vlogs. Ngayong nasa mahigit 800k subscribers na ang YouTube channel ni Tekla, magkakaroon na rin siya ng suweldo sa bawat video na gagawin, at ito umano ay kanyang ibabahagi sa kapwa.

Kuwento pa ni Tekla, nagkaroon siya ng “raket” at dahil dito ay nakatanggap siya ng kaunting halag. “Sabi ko, gusto kong mag-share. Then nag-isip ako kung ibibigay ko sa church, o direct kong mismo sa mga mapipili ko bilang celebration ng Silver Play Button,” ani Tekla.

Imahe kuha mula sa video ni Super Tekla via YouTube channel

At galing mismo sa kanyang sariling bulsa ang ginamit na pera sa pamamahagi niya ng Noche Buena package sa isang lugar sa Quezon City. Mapapanood rin sa kanyang vlog ang pamimigay niya ng Noche Buena package sa mga nadaanang ilang kapus-palad tulad ng mga sidewalk vendor, basurero, delivery rider, at marami pang iba.

Bukod sa grocery na ipinamigay ni Tekla, binigyan din niya ng P500 pesos ang ilan sa mga tinulungan. Ipinangako ng komedyante na magpupursigi siya na maghain ng nakatatawang mga vlogs upang magbigay ng good vibes sa mga kapwa at lalo na ang pagbabahagi niya ng mga natanggap na blessings.


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: