‘Talsik laway’ activities tulad ng pagkanta sa videoke, mahigpit na ipinagbabawal ngayong holiday season

  • Ngayong holiday season, patuloy ang pagpapaalala ng Department of Health sa pagpapatupad ng health and safety protocols laban sa COVID-19
  • Upang maiwasan ang hawaan, ipinagbabawal muna ang mga ‘talsik laway’ activities tulad ng pagkanta sa videoke at pagsigaw ng mga magkakausap
  • Pinaalala rin ng World Health Organization na magdoble ingat ang mga mahihina ang immune system at obese dahil madali silang kapitan ng coronavirus

Tiyak na marami nang Pinoy ang nasasabik sa pagdiriwang ng Pasko at bagong taon kahit sa gitna ng pandemya. Sa sarili nilang paraan at pagsunod sa tradisyon, maraming pamilyang Pinoy ang nagbabalak pa ring magkaroon ng selebrasyon ngayong holiday season.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via Facebook

Subalit dahil hindi pa nawawala ang COVID-19 at hindi pa kasado ang vaccine para dito, patuloy na nagpapaalala ang pamahalaan lalo na ang Department of Health (DOH) tungkol sa mga health and safety protocols upang makaiwas sa COVID-19 lalo na sa panahon ngayon na marami ang makakasalamuhang tao.

Ngayong kapaskuhan, sinabi ng DOH na iwasan muna ang mga “talsik laway” na aktibidad tulad ng pagkanta sa videoke o pagsigaw ng mga magkakausap. Ang droplets kasi mula sa bibig tulad ng laway at sipon ng isang possible COVID-19 positive ay maaaring makahawa lalo na kung nalanghap ito o nahawakan ng isa o maraming tao.

“High risk activities and settings are where there can be ‘talsik laway’ such as singing and shouting, if you will remember there was this evidence which has provided us, how much viral particles emitted when a person sings or a person shouts,” ayon sa DOH.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via Facebook

Ayon naman sa inilathalang pag-aaral ng Center for Disease Control and Prevention (CDC): The louder speech produces a higher  number of droplets. There is a substantial probability that normal speaking causes airborne virus transmission in confined environment.

Patuloy din ang pagpapaalala ng pamahalaan na ipagpaliban muna ang pagpunta sa mga reunion ngayong Kapaskuhan at bagong taon upang maprotektahan na rin ang mga kamag-anak.

Ngayon ay hindi na lamang face mask ang mandatory na isusuot ng mga Pinoy na pumupunta sa pampublikong lugar kundi obligado na rin silang magsuot ng face shield upang doble ingat laban sa COVID-19.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: