Senator Manny Pacquiao papasukin na rin ang financial technology sa paglunsad ng ‘PacPay’ sa 2021

  • Sasabak na rin sa industriya ng financial technology si Senator Manny Pacquiao sa kanyang paglulunsad ng “PacPay”
  • Ang PacPay ay isang uri ng teknolohiya na maaaring gamitin ng mga Pinoy pati na rin ng OFWs para sa kanilang financial transaction saan man sa mundo
  • Matatandaan na inilunsad rin ni Pacquiao ang “Pac tokens,” ang kauna-unahang celebrity cryptocurrency

Kilala ang boxing champion at kasalukuyang senador na si Manny Pacquiao sa kanyang pagiging pilantropo at pagsabak sa iba’t ibang business venture na malaki ang naibibigay na tulong lalo na sa mga Pinoy at sa bansa.

Imahe mula Instagram | @mannypacquiao

Sa gitna ng pandemya ay marami nang ipinatupad na programa at inilunsad na mga relief mission si Sen. Pacquiao. Matatandaan na namahagi siya ng pera sa mga nasalanta ng bagyo kamakailan. Ang boxing champ at kanyang mga kaibigan ay naging sponsor din ng 13 TV channels kung saan dito ipalalabas ang mga programa ng Department of Education bilang bahagi ng distance learning ng mga estudyante.

Ngayon, inanunsiyo ni Boxing champ na tatahakin na rin niya ang industriya ng financial technology sa paglulunsad ng “PacPay” sa taong 2021. Isang “digital payment platform,” layunin ng PacPay na matulungan ang mga Pinoy lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang mga financial transactions.

Layon ng PacPay na mapadali ang pag-aasikaso sa anumang financial transaction nasaang bahagi ka man ng mundo. Ayon sa senador, ang kanyang technology startup na “Pac Technologies” ang maglulunsad  ng PacPay sa unang bahagi ng taong 2021.

Imahe mula Instagram | @mannypacquiao

“This will make cross-border transactions easier for our countrymen especially the OFWs,” pahayag ni Pacquiao  habang nasa World Fintech Festival; isang tech festival na inilunsad ng GeiserMaclang Marketing Communications, Inc. in partnership sa Singapore FinTech Festival.

“With PacPay, we can help local businesses connect to global influencers and millions of fans around the world. We will also offer a unique rewards program where users will receive explosive perks, autographed merchandise and even tickets,” dagdag pa ng boxing champ.

Imahe mula Instagram | @mannypacquiao

Sinabi rin niya na ang bahagi ng kikitain ng PacPay ay mapupunta sa kanyang charity projects. Aniya, “the PacPay ecosystem is designed to support Filipinos who are in need. As users transact via PacPay part of our proceeds support charity projects in the Philippines.”

Matatandaan na noong nakaraang taon, inilunsad rin ng senador ang kanyang sariling cryptocurrency  na “Pac tokens”; pera na maaaring gamitin ng kanyang fans upang makabili ng kanyang merchandise at upang magkaroon ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa kanya sa social media.

Ang Pac tokens ang itinuring na kauna-unahang  celebrity cryptocurrency.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: