San Miguel Corp hindi magpapabayad ng toll fees sa kanilang expressways ngayong Pasko at New Year

  • Inanunsyo ng San Miguel Corporation na hindi sila magpapabayad sa kanilang mga toll fees sa Pasko at Bagong Taon
  • Libreng makadadaan ang mga motorista sa expressways na pagmamay-ari ng SMC mula 10 PM ng December 24 hanggang 25 at 10 PM ng December 31 hanggang January 1
  • Ang inisyatibong ito ng SMC ay upang matulungan ang mga motorista na madaling makauwi sa kani-kanilang probinsya

Sa Pasko at darating na pagdiriwang sa pagsalubong sa bagong taon ay paniguradong maraming Pinoy na nasa Metro Manila ang uuwi sa kanilang mga pamilya sa probinsya hangga’t mayroon silang nararapat na mga dokumento at ang ilan ay kinailangang sumailalim sa swab test upang matiyak ang kaligtasan niya at ng kanyang pamilya.

Imahe mula Wikimedia Commons

Bagama’t hiniling ng mga eksperto na manatili na lamang sa tahanan ang mga Pinoy sa pagdririvang ng mga holidays ay mayroon pa rin na gustong makauwi sa kanilang pamilya upang kahit papaano ay makumpleto ang kanilang pagdiriwang sa gitna ng pandemya.

Upang matulungan na madaling makauwi ang mga motorista ngayong holiday season, inanunsyo ng San Miguel Corporation na hindi sila magpapabayad ng toll fees sa kanilang expressways ngayong Pasko at New Year.

Ang mga expressways na ito na pagmamay-ari ng SMC ay ang Southern Tagalog Arterial Road (STAR), Southern Luzon Expressway (SLEX), Skyway, NAIAX, at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Public Domain image

“From 10:oo PM on December 24, to 6 AM on December 25we will open our expressways—STAR, SLEX, Skyway, NAIAX, TPLEX—for free to all motorists. We are doing the same from 10:00 PM on December 31, to 6:00 AM of January 1, 2021,” ani SMC President at CEO Ramon S. Ang.

Ang inisyatibong ito ng SMC ay para umano tulungan ang mga motoristang makauwi nang maayos at mabilis sa kanilang pamilya lalo pa at talamak ang traffic kapag holiday season.

“This is an annual tradition that we do for the benefit of motorists, especially those who have to see family in other parts of the city or have to go home to the provinces,” dagdag pa ni Ang.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: