
- Sa isang virtual press conference, ibinahagi ng vlogger na si Mimiyuuuh ang isa sa mga pinaka hindi nila makalilimutang Christmas memories
- Kuwento ng vlogger, nagtitinda ang kanyang ina ng mga damit sa labas ng simbahan sa Baclaran at kasama rin siya rito tuwing magpapasko
- Bukod sa mga alaala, ibinahagi rin ng vlogger ang tradisyon ng kanyang pamila tuwing ipinagdiriwang ang Pasko
Ano ang isa sa mga hindi mo malilimutang alaaala tuwing Pasko? Ito ba ay ang mga natanggap mong regalo? Mga paborito mong pagkain na iniluluto tuwing noche buena? O ang pagsasalo-salo ng inyong pamilya pagkatapos ng simbang gabi?

Para sa vlogger at influencer na si Mimiyuuuh, wala sa mga nabanggit ang pinaka-hindi niya malilimutang alaala tuwing sasapit ng Pasko. Dahil ang pinakatumatak sa kanya noong bata pa siya ay ang pagtitinda nila ng kanyang nanay sa labas ng simbahan ng Baclaran tuwing sasapit na ang ika-24 hanggang 25 ng Disyembre.
Sa naganap na virtual press conference para sa Lazada 12.12 three-day Christmas Sale kung saan isa si Mimiyuuuh sa mga ambassador, ikinuwento niya ang kanyang magandang alaala kasama ang pamilya tuwing sasapit ang Pasko.
Ayon sa vlogger, noong bata pa siya ay tinutulungan niya ang kanyang nanay na si Inay Bheng sa pagtitinda ng mga damit sa labas ng simbahan sa Baclaran tuwing bisperas ng Pasko.

“Ang nanay ko po tindera sa Baclaran and Christmas holiday po, ayan po ang pinakamabenta namin for the year. So parang ako po nagtitinda… Kasi ang nangyayari po parang 24 hours nagbubukas yung tindahan namin ng mga damit kasi nga po may simbang gabi,” ani Mimiyuuuh.
Dagdag pa niya, kahit 24 at 25 na ng Disyembre ay mayroon pa ring mga namimili sa kanilang tindahan, “ang mga tao kahit madaling araw ay namimili po. So talaga pong yun ang pinaka-favorite kong Christmas memory. Nagtitinda po kami.”

Bukod sa alalaa, kinuwento rin ng social media influencer na tuwing Pasko, hindi gaanong lumalabas ang kanyang pamilya at nananatili lamang sila sa bahay upang magluto ng mga pagkain. “So talaga yun na po yung nakasanayan namin, and, this year, ganun din po yung gagawin namin.”
At para sa darating na bagong taon, mayroong kahilingan si Mimiyuuuh, “sana for 2021, maka-recover na rin po tayo sa ating mga challenges. And gusto ko rin po na sana, e, bumalik sa normal. You can hug your friends ganyan.”