P2021 salary increase sa 2021: 4,339 casual employees ng Pasig, tataasan ang suweldo

  • 4,339 casual employees ng Pasig City ang makatatanggap ng mas mataas na suweldo sa pagpasok ng panibagong taon
  • Sa darating na Enero 2021, magkakaroon ng P2021 salary increase ang mga casual employee
  • Ani Mayor Vico Sotto, hangad ng lokal na pamahalaan na bigyan ng dignidad at seguridad ang mga may mababang posisyon o sahod

Magiging maganda ang pasok ng panibagong taon para sa mahigit apat na libong casual employees ng Pasig City na makatatanggap ng P2021 salary increase sa darating na 2021.

Image via Vico Sotto | Facebook

Ani Mayor Vico Sotto, hangad ng lokal na pamahalaan na bigyan ng dignidad at seguridad ang mga may mababang posisyon o sahod.

“Effective January 2021, we are promoting 4,339 casual employees to increase their salary: from P11,551 to P13,572 per month (from Salary Grade 1 to 3). Mahaba at madugo ang proseso ng pagpapataas ng antas ng serbisyo ng lokal na pamahalaan. Giving our workers dignity and security is an important part of this,” saad ng alkalde.

Nakalista na rin daw ang long term goals ng lokal na pamahalaan na tutuparin nila “one step at a time”.

“Our long term goals include decent wages for all, no more SG-1 at ang utility workers natin at least SG-3 dapat (iyong mga permanent subukan natin by first quarter next year); at regularization of employees (iyong next batch natin nasa 617 empleyado na 15 years pataas nang kontraktuwal, kung pwede lang sanang sabay-sabay na lahat pero kailangan strategic at responsable ang paggawa natin nito),” aniya.

Kasama rin daw ang pagbibigay ng capacity development “to improve service so that more will be qualified for higher positions”; ang pagtitiyak na fully merit-based na para “unti-unti nang layuan ang kultura ng palakasan; at paniniguro na nakangiti at walang nakasimangot na kawani ng gobyerno.

Malugod namang tinanggap ng mga Pasigueño ang magandang balita at maging ang mga taga ibang lugar ay humanga sa pamamalakad ni Sotto.

Image captured from Facebook

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: