One picture, a thousand words: Litrato ng isang pamilya sa harap ng parol, pumukaw sa puso ng netizens

  • Pinusuan ng maraming netizen ang litrato ng isang pamilya habang nasa harap ng isang malaking parol upang magpa-picture
  • Sa litrato ay makikita ang ina at mga anak na nakaupo sa harap ng parol habang ang kanilang ama ang kumukuha ng litrato gamit ang simpleng cellphone
  • Maraming netizen ang naantig sa larawan dahil magkakasama ang buong pamilya sa Pasko

Binago ng pandemya ang maraming bagay: pati na rin ang pagdiwang ng mga Pinoy ng Pasko. Maraming pamilya ang hindi kumpletong magdiriwang ng Pasko ngayon dahil hindi makakauwi ang kanilang mga kapamilya bunsod ng quarantine protocol.

Imahe mula sa Isko Moreno Domagoso Facebook page

Mayroon ding mga pamilyang Pinoy ang nawalan ng miyembro ng kanilang pamilya dahil sa COVID-19. At marami ang magdiriwang nang walang noche buena dahil marami rin ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ang mga kadahilang ito ang nagtulak sa maraming netizen na pusuan ang larawan na ibinahagi ni Angela Jean Rinos sa Facebook na isang simpleng litrato. Ito ay nilagyan niya ng caption na: One picture, a thousand words.

Ang nasabing litrato ay umani na ng mahigit 11,000 reactions at 12,000 shares sa Facebook. Makikita sa larawan ang isang pamilya sa harap ng Christmas decorations na malalaking parol. Ang ina at tatlong mga anak ay nakaupo sa harap ng isang giant parol upang magpakuha ng litrato, habang ang ama naman ang nakatayo at kumukuha nito gamit ang basic cellphone na mayroon pang keypad.

Imahe mula Facebook

Ayon sa uploader ng litrato na si Angela Jean Rinos, ang larawan ng pamilya ay kuha sa Children’s Park ng Abuyog sa Leyte. “Naisipan kong picturan sila kasi nakakatuwa lang tingnan kasi kahit na keypad yung phone nila, masaya parin silang tingnan habang nagpi-picture,” ani Angela.

Kuwento pa ng uploader, “I decided to put a caption which states ‘One picture, a thousand words’ kasi kahit na isang picture lang yun, madaming ibig sabihin nun.” Ito rin umano ang unang beses ni Angela na magdiriwang ng Pasko nang wala na ang kanyang ama na yumao na  noon lamang March 1.

“Kaya nakalulungkot para sa akin and at the same time, natutuwa ako para dun sa magpamilyang nakita ko.”

Ngayong darating na Pasko, mayroong mensahe si Angela sa mga kapwa Pinoy:  ‘Di hadlang ang sitwasyong mayroon tayo ngayon para hindi gawing masaya ang ating Pasko. Maging masaya tayo kasama ang ating mga pamilya at huwag kalimutan ang pananampalataya sa ating Panginoong Diyos.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: