‘My face is not a chair’: Ellen Adarna ibinahagi ang ‘struggles’ at joy ng pagiging ina

  • Naging aktibo muli sa social media ang aktres na si Ellen Adarna at nagbahagi ng sunod-sunod na litrato at video
  • Kabilang sa mga litrato at video na kanyang ibinabahagi ay kasama ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto
  • Ibinahagi ni Ellen ang mga “struggles” ng pagiging ina at pati na rin ang saya sa pagkakaroon ng anak

Pagkatapos ng mahabang panahon, muling naging aktibo sa kanyang Instagram account ang aktres na si Ellen Adarna at nagbahagi siya ng sunod-sunod na litrato at video sa kanyang Instagram stories.

Imahe mula kay Ellen Adarna via Instagram

Tampok sa kanyang mga litrato at video ay ang dalawang taong gulang na anak nila ng beteranong aktor na si John Lloyd Cruz na si Elias Modesto. Makikita ang super cute, madaldal, at active na si Elias habang nakikipagkulitan at laro sa kanya ang ina na si Ellen.

Sa isang video ay ipinakita ni Ellen kung paano siya upuan sa mukha ng kanyang anak habang sinasabi ang mga katagang “my face is not a chair.” Bukod pa rito, may video rin kung saan sinabihan ni Ellen si Elias na mag “pose” sa camera subalit ang ginawa ni Elias ay i-“push” ang kanyang mommy.

Maraming netizens kabilang na ang mga nanay din ang nag-repost ng mga video ni Ellen at ni Elias kung saan ay hashtag “relate” sila sa mga “struggles” na pinagdadaanan ng isang nanay.

Imahe mula kay Ellen Adarna via Instagram

Kahit makulit, tuwang-tuwa pa rin ang aktres sa kanilang anak ni John Lloyd  lalo na at nasa bakasyon sila ngayon sa Pamalican Island sa Amanpulo. Dito ay masaya silang nagpaaraw at nagtampisaw sa beach at ang lahat ng ito ay ibinahagi ni Ellen sa kanyang social media.

Bukod sa mga personal na video at litrato, nagre-repost din si Ellen ng mga mentions sa kanya ng mga netizen na sobrang relate sa mga pinagdaraanan niya bilang ina at kung gaano siya ka-cool pagdating sa anak.

Imahe mula kay Ellen Adarna via Instagram

At nang tanungin ng isang netizen ng “why you suddenly so active in social media?” sinagot ito ni Ellen ng, “my mood tells me so.” Nag-reply din siya sa ilang mga bashers na kumukutya sa pag-aalaga niya sa kanyang anak.

Wala naman sa mga litrato at video nina Ellen at Elias ang aktor na si John Lloyd.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: