Mga nag-viral na bata noon, kumusta na kaya ngayon?

  • Tampok sa programa ng GMA News na “Brigada” ang mga batang nag-viral ang video at mga larawan sa social media noon
  • Ang mga batang ito ay nakilala bilang sina Pabebe girls, Badjao girl, at ang nakaaaliw na magkapatid na sina Bilog at Bunak
  • Ang mga batang naituring na viral internet sensation noon ay ganap nang mga dalaga’t binata ngayon at mayroon na ring iba’t ibang pinagkakaabalahan sa buhay

Kung ikaw ay laging nakatutok sa social media, malamang ay lagi ka ring updated sa mga viral photos at videos na kumakalat online. Kabilang sa mga nag-viral na ito ay mas nakilala pagkatapos maitampok sa iba’t ibang programa at panayam.

Imahe mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Sa programang “Brigada” ng GMA News, itinampok ang buhay ngayon ng mga tinaguriang Internet viral celebrities na sina “Pabebe” girls, “Badjao” girl, at ang magkapatid na sina Bilog at Bunak.

Taong 2015 nang unang mag-viral ang video ng “Pabebe” girls kung saan sinasabi nila ang kanilang karapatan sa pagiging pabebe at ang kanilang hindi malilimutang linyang “walang makakapigil sa amin!” Sa isang panayam, inamin ng kumuha ng video na scripted ang sinasabi noon ng mga Pabebe girls na sina Michelle Alfonso at Janet Ricabo.

Ngayon, dalaga na sina Michelle at Janet na may planong mag-umpisa ng kanilang vlog. Grade 9 na si Michelle na nagnanais umanong pumasok sa showbiz, samantalang nag-aaral naman para maging beautician si Janet.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Nag-viral naman ang litrato ng tinaguriang “Badjao” girl na si Rita Gaviola noong 2016 matapos hangaan ng maraming netizens ang kanyang kagandahan habang namamalimos sa kalsada. Matapos mag-viral, lalong nakilala si Rita at napabilang din bilang housemate sa Pinoy Big Brother Season 7 noon ding 2016.

Mula Quezon Province, pumunta si Rita sa Maynila upang makipagsapalaran at pasukin ang career sa showbiz. Sa edad na 16 anyos, tumutulong na si Rita sa pamilya sa pagpapaaral ng kanyang mga kapatid at naibili na rin niya ng motor ang ama. Kasalukuyang naninirahan si Rita sa kanyang manager sa Maynila at ngayon ay model na habang isinasabay din dito ang kanyang pag-aaral.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Kinaaliwan naman noong 2017 ng maraming netizens ang video ng magkapatid na sina Bilog at Bunak matapos silang mag-away na tila aso at pusa. Pagkatapos ng tatlong taon, lumaki na sina Danica “Bilog” Tiongson at Bunak at nakatulong umano ang kanilang pagiging viral sa kabuhayan ng pamilya.

Grade 8 na si Bilog, habang Grade 5 naman si Bunak. Kuwento ng ate na si Bilog, pangarap niyang maipatayo ng bahay ang pamilya at kasamang maiangat sa kahirapan. Nais naman umano ni Bunak na maging isang pulis.

Panoorin ang buong video ng episode dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: