Maine Mendoza hiniling ang “love life” para kay Alden Richards sa kanyang sa ika-10 anibersaryo sa showbiz

  • Kamakailan ay ipinagdiwang ni Alden Richards ang kanyang ikasampung anibersaryo sa showbiz
  • Nang tanungin sa isang panayam kung ano ang hiling ng dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza kay Alden, sinabi ni Maine na sana ay may love life na ang aktor sa susunod na taon
  • Matagumpay din na ginanap ang kauna-unahang virtual reality concert ni Alden

Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa “AlDub” na unang nabuo noong 2015 dahil sa segment ng noon time show na Eat Bulaga na “Kalyeserye.” Hindi sinasadya ang agad na naging “chemistry” ng host noon sa EB na si Alden Richards at ang baguhan pa lamang sa programa na si Maine Mendoza na unang nakilala bilang si Yaya Dub.

Imahe mula Instagram

Maraming Pinoy ang sumubaybay sa takbo ng kuwento ng AlDub sa Kalyeserye ng Juan for All, All for Juan ng EB, at dahil din sa tambalan na ito, mas nakilala ang aktor na si Alden at umusbong naman ang karera sa showbiz ni Maine.

Pagkatapos ng halos limang taon, marami pa rin ang nakakaalala sa AlDub subalit mayroon nang iba’t ibang tinatahak na karera ang dalawang magka-loveteam noon.

Bagama’t hindi na muling pinagtatambal, patuloy na magkasama pa rin sina Alden at Maine bilang host sa EB. At kamakailan nga ay itinanghal sina Alden at Maine bilang pinakabagong brand endorsers ng mobile application na “Toktok.”

Imahe mula Instagram

Sa naging media launch ng nasabing mobile app, sinabi ni Maine kung ano ang kanyang kahilingan para sa ikasampung anibersayo sa showbiz ni Alden. “Wish ko lagi kay Alden, sana lagi siyang happy,” ani Maine.

Ngunit bukod sa kaligayahan, biniro din ni Maine si Alden na magkaroon na rin sana ito ng love life. Wala pang sinoman ang nali-link sa tinaguriang Asia’s Multimedia Star na kamakailan ay ipinagdiwang ang ikasampung anibersaryo sa pamamagitan ng virtual concert.

Imahe mula Instagram

Naging matagumpay ang kauna-unahang virtual reality concert na tinawag na “Alden’s Reality (AR).” Gamit ang makabagong teknolohiya, parang nasa harap na rin ng mga manonood si Alden habang nagpe-perform.

“Ten years is a long time. Nagulat na rin ako na that I reached that far. Parang looking back, parang kailan lang ako nag-start. But really, time flies when you’re having fun,” ani Alden sa isang panayam.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: