Magpapagupit ka ba? Salon na may mga hunks kinaaaliwan sa social media

  • Muling nag-viral ang larawan ng mga hunks na tila nag-aayos ng buhok ng mga customers sa isang salon
  • Sino ba naman ang hindi maaaliw sa mga nagguwa-guwapuhang modelo na wala pa man ding saplot pang itaas
  • Inalam namin kung saan mahahanap ang salong ito at bakit hindi karaniwang hairstylists ang naroroon

Kumalat sa social media ang larawan ng mga naggwa-guwapuhang mga ginoo na tila naging taga-ayos ng mga buhok ng ilang kababaihan sa salon.

Imahe via Pogi | Facebook

Nakapantalon lamang ang mga lalake at kita ang mga matitipuno nilang katawan. Ang mga larawan ay ibinahagi ng Pogi FB page at ito ay umani ng mahigit 11k reactions, 3.9k comments at 16k share. Walang kaduda-dudang marami nga ang naaliw sa pambihirang pagkakataon na isang ginoo ang magsha-shampoo sa buhok mo at iblo-blower ito pagkatapos.

Ang post ay napuno ng kumento ng mga kunwari gustong magpagupit araw-araw, o ‘di kaya’y magpakalbo o magparebond para mas matatagalan sa salon. Hahaha.

Ngunit saang lugar nga ba matatagpuan ang salong ito at paano nangyaring ‘di pangkaraniwan ang mga hair sytlists?

Sa pagsasaliksik ng Kicker Daily News, ang mga imahe pala ay mula sa Sutteerak Hair Salon ng Chanthanimit, Mueang Chanthaburi District, Thailand. Ang mga larawan ay kuha noong araw ng pagbubukas ng kanilang ikalawang branch noong May 2, 2018. Bilang bahagi ng kanilang pakulo, kumuha sila ng apat na modelo para i-promote ang salon at magbigay na rin ng kasayahan sa mga customers. Bukod sa pag-aayos ng buhok, sumayaw din ang mga ito na lalong nagpakilig sa mga panauhin.

Imahe via Pogi | Facebook

Noong araw ding iyon, namigay sila ng 10% diskuwento sa mga suki na maaaring gamitin sa loob ng isang taon. Wow!

Dalawang taon na ang lumipas, mukhang epektibo nga ang marketing strategy na ito dahil nang binisita namin ang FB account ng isa sa mga nagtatrabaho rito, marami pa rin itong mga suki kahit na may pandemya. Maliban sa pag-aayos ng buhok, puwede ka na ring magpa-permanent makeup at tattoo.

Ano sa tingin n’yo? Puwede kaya ang ganitong pakulo rito sa atin?

Panoorin ang video ng opening ng salon dito.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: