‘Mag-baby na ulit tayo!’ Chito Miranda at Neri Naig ipinagdiwang ang 6th wedding anniversary

  • Sa kanilang ika-anim na wedding anniversary, nagbahagi ng kani-kanilang mensahe sina Chito Miranda at Neri Naig
  • Parehong nagbahagi ng mga litrato ang dalawa kalakip ang mahahabang mensahe tungkol sa isa’t isa
  • Sinabi ni Chito na naka-jackpot siya sa asawa, samantalang niyaya naman siya ni Neri na magkaroon na ulit ng anak

Kilala si Chito Miranda bilang vocalist ng OPM band na “Parokya ni Edgar,” habang ang kanya namang asawa na si Neri Naig ay kabilang sa mga kauna-unahang talent artist mula sa reality talent show ng ABS-CBN na “Star Circle Quest.”

Imahe mula Instagram

Bukod sa pagiging celebrity, kilala rin sina Chito at Neri dahil sa magagandang ibinabahagi nila sa social media tungkol sa mga aral na kanilang napupulot sa pagkakaroon ng pamilya at pagiging mag-asawa.

Kaya naman sa kanilang ika-anim na wedding anniversary, parehong mayroong mahahabang mensahe sa isa’t isa ang ibinahagi nina Chito at Neri sa social media. Ang mga mensaheng ito ay tungkol sa kanilang mga pinagdaanan bilang mag-asawa, at ang mga bagay na nagpapatatag ng kanilang relasyon.

Ibinahagi ni Chito sa kanyang Instagram ang portrait ng nakabibighaning si Neri, “obvious naman na pinagmamalaki ko kung gaano kaganda ang asawa ko, at kung gaano ako kaswerte na pinakasalan niya ako,” ang nabanggit ng Parokya ni Edgar vocalist sa caption.

Imahe mula Instagram

Bukod sa kagandahan, ipinagmalaki ni Chito ang mga bagay na hindi nakikita sa larawan ng asawa. Ipinagmamalaki ni Chito ang asawa dahil sa kanyang kaabutihan ng loob, kagustuhang makatulong sa kapwa, katalinuhan, at galing sa paghahawak ng pera at pagiging madiskarte.

Nagbahagi rin si Neri ng throwback photo nila ni Chito at dito ay pinasalamatan niya ang asawa dahil sa pag-aalaga, pagbibigay payo, at pagiging “best husband and best father” sa kanilang pamilya.

Imahe mula Instagram

“You are the dream husband every girl wants to have pero ako yung maswerte to have you all for myself,” ani Neri. At sa huli ng kanyang mensahe, nagkaroon ng kahilingan ang aktres sa asawa, ” I love you, I love you, I love you so much! Magbaby na ulit tayo!”

Taong 2014 nang maganap ang civil wedding at garden wedding nina Chito at Neri.  Ngayon ay mayroon na silang isang anak — ang tatlong taong gulang na si Miggy Miranda.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: