Letter “G” pendant ni Julia Barretto, usap-usapan online

  • Pinag-uusapan ngayon online ang larawan na ibinahagi ni Julia Barretto sa kanyang Instagram account
  • Sa larawan kasi ay makikitang suot ni Julia ang tila letrang “G” na pendant na nagdulot ng iba’t ibang spekulasyon sa social media
  • Inamin kamakailan ni Julia na siya ay in love at nasa isang bagong relasyon subalit hindi ibinunyag kung sino ang nobyo

Napabalita kamakailan ang pag-amin ng Kapamilya actress na si Julia Barretto na siya ay kasalukuyang in love at nasa bagong relasyon. Subalit  sa kagustuhang magkaroon ng privacy ay hindi sinabi ni Julia kung sino ang kanyang nobyo.

Imahe mula Instagram

Julia Barretto inaming in love at nasa bagong relasyon

Hindi naman nakaligtas sa mga matanglawin na netizens ang larawan ni Julia na kamakailan ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account. Sa larawan ay makikita ang medyo close-up na larawan ng aktres habang pino-promote ang isang hair product.

Subalit hindi rito natuon ang atensyon ng mga netizen kundi sa suot niyang pendant necklace na mayroong tila letrang “G”. Sa comments section ay pinansin ito ng mga netizen at halo-halo ang kanilang mga reaksiyon.

Ayon sa iba, maaaring hindi ito letrang G kundi letrang “C,” subalit wala namang kaugnay ang nasabing letra sa buhay ni Julia. Habang ang ilan naman ay nagsabing gumagawa lamang ng ingay ang aktres bilang isang marketing strategy. May ilan naman na nagsabing “Gucci” ang sinisimbolo ng letrang “G.”

Imahe mula Twitter | @TEAMGERALD_PH

At ang pinakanaiisip ng marami sa letrang “G” ay ang nali-link sa kanya na si Gerald Anderson na ka-loveteam din niya sa pelikulang “Between Maybes” noong 2019 at kasalukuyang ipinapalabas sa online streaming service na Netflix.

Aktibo ang dalawa sa social media upang i-promote ang pelikula na siya ring bali-balitang naging dahilan ng hiwalayan nina Gerald at aktres na si Bea Alonzo noong nakaraang taon.

Imahe mula Instagram

Wala mang kumpirmasyon sa dalawang panig, hindi rin naman nila ipinagkakaila kung mayroon man silang relasyon lalo na at lumabas ang kanilang mga litrato kamakailan na magkasama umanong umakyat sa Mt. Kulis sa Tanay, Rizal.

“I think nobody understands the kind of trauma of having a relationship so public, and then also have a lot of people see when your relationship fails. They thought they knew my pains, they thought they knew my joys, they thought they knew everything—all the reasons that caused the breakup. But nobody really does,” ani Julia sa isang panayam matapos aminin na siya ay nasa bagong relasyon.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: