Jillian Ward inaming maingat sa mga ipino-post at ibinabahagi sa social media

  • Mula sa pagiging child star, nakilala nang lubos ang Kapuso teen actress at ngayon ay isa nang dalaga na si Jillian Ward dahil sa kanyang galing sa pag-arte
  • Sinabi ni Jillian sa isang panayam na mayroong mga netizens na pumupuna sa kanyang mga ibinabahagi online
  • Inamin niya na sa social media ay maingat siya sa mga ipino-post at ibinabahagi dahil na rin sa dami ng kanyang followers

Normal sa mga showbiz celebrities na magkaroon ng mga tagahanga – batikan man sila o nag-uumpisa pa lamang ang career. Ang mga tagahanga o fans na ito ay sumusubaybay sa social media accounts ng kanilang mga iniidolo upang maging updated sa mga ginagawa ng celebrities.

Imahe mula Instagram

Lalo na ngayong mayroong pandemya, maraming celebrities ang nagbibigay ng update sa social media sa mga pinagkakaabalahan sa araw-araw, at dahil din sa kanilang malayang pagpapahayag ng saloobin sa social media ay marami nang celebrity at kilalang personalidad ang nasangkot sa mga isyu.

Ito ang maingat na iniiwasan ng dating child star at ngayon ay Kapuso teen actress na si Jillian Ward pagdating sa pagbabahagi ng mga litrato at usapin online. Kuwento ni Jillian na nag-umpisang makilala dahil sa kanyang pag-arte sa murang edad, hindi niya inakala ang pagdami ng followers sa kanyang social media account.

“Ngayon po na ang dami ko pong nage-gain na followers, nasha-shock din po talaga ako na ang bilis po talagang dumagdag. Hindi ko po ine-expect and sobrang saya ko lang po talaga,” ani Jillian.

Imahe mula Instagram

Dahil sa natatamasang kasikatan, hindi umano maiiwasan na mayroong pumuna sa mga sinasabi at ibinabahagi ni Jillian sa social media, “Minsan po kahit ‘yung mga sobrang liliit po na bagay na parang ako hindi ko po alam na mali po siya, ang dami pong nagko-correct sa akin,” pagbabahagi ng teen actress.

Subalit aniya, nauunawaan din naman ng ilang netizens ang mga pagkakamali lalo na sa kanila na nasa murang edad pa, “although naman po ngayon, dati po kasi more on talagang nagagalit ‘yung mga tao. Ngayon mas understanding na po ‘yung mga tao lalo na po sa mga minors din.”

At bilang reaksyon, tinatanggap na lamang umano ni Jillian ang mga ginagawang “pagtutuwid” sa kanya ng ibang mga tao at iniisip niya na para ito sa kanyang kabutihan.

“So think before you click kasi nga po hindi lang po ‘yung ikaw ‘yung makakakuha ng backlash eh, kumbaga ang dami mo rin pong nai-inspire na mga tao, kumbaga po, marami po akong followers na mga bata so mine-make sure ko po na safe po ‘yung mga pino-post ko po,” pagpapaliwanag ni Jillian.


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: