Ilang motorista pinara ng mga LTO, HPG, at PNP hindi upang hulihin kundi para bigyan ng Christmas gifts

  • Maraming motorista ang kinakabahan kapag pinapara sila ng mga awtoridad habang nasa daan
  • Ilang motorista mula Region 7 ang pinara ng mga taga-LTO ngunit hindi pala para sitahin o hulihin kundi para bigyan ng pamaskong regalo tulad ng gift certificates
  • Ang programang ito ay bahagi ng Malasakit Outreach Roadside Road Safety Initiative ng LTO-7

Para sa maraming motorista na nasa daan, nakakakaba sa tuwing paparahin ng mga awtoridad na nagbabantay sa daan lalo na ang mga miyembro ng Land Transportation Office (LTO) o ng Highway Patrol Group (HPG).

Imahe mula kay Joy Torrejos via The Freeman Facebook page

Sa tuwing paparahin kasi ang mga motorista ng mga awtoridad ay maaaaring siya ay may nalabag na batas trapiko o kaya naman ay hahanapan ng lisensya o registration ng sinasakyan.

Kaya naman maraming Pinoy ang umiiwas dumaan sa highway dahil dito madalas nagbabantay ang LTO, HPG, at ang kapulisan lalo na sa panahon ngayon na mayroong pandemya at nagtalaga ng maraming PNP checkpoints sa buong Pilipinas.

Imahe mula kay Joy Torrejos via The Freeman Facebook page

Kamakailan, ilang mga motorista ang pinara at pinapunta sa gilid ng kalsada ng mga tauhan ng Land Transportation Office-7, Highway Patrol Group-7, at Philippine National Police sa Region 7.

Ang pagpapara ng mga awtoridad sa mga motorista ay hindi pala upang sitahin o bigyan ng ticket dahil lumabag sa batas trapiko kundi upang mabigyan ng mga pamaskong regalo tulad ng noche buena package kabilang ang bigas at gift certificates.

Imahe mula kay Danjick Lim via Facebook

Sa ibinahagi ng Facebook page na The Freeman, ilan sa mga napamahagian na ito ng mga awtoridad ay mga motorista sa mountain barangay ng Tabunan sa Cebu City. At bukod sa mga pamaskong handog, ang mga residente rin na walang lisensya ay binigyan ng scholarship certificate mula sa LTO academy at limang motorista rin ang nabigyan ng bagong helmet.

Ang pamamahaging ito ng pamasko ay bahagi ng Malasakit Outreach Roadside Road Safety Initiative ng LTO-7.

Sa FB posts naman ay tampok din ang ilang mga litrato na kuha ni Danjick Lim, at dito ay makikita rin ang ilang residente sa region 7 na nakatanggap ng isang sakong bigas, helmet, at driving school scholarship bilang requirement para makakuha ng driver’s license.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: