Ilang mahihirap na pamilya at informal settlers sa Tondo district, Manila, nakatanggap ng portable toilets

  • Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbibigay ng portable toilets sa mga pamilya sa Tondo, Maynila
  • Ang mga pamilyang nakatanggap ay ang mga informal settlers at aminadong walang maaayos na palikuran
  • Ang pamimigay ng portable toilets ay bahagi lamang ng short-term solution ng LGU kaya isinasagawa na nila ang in-city relocation ng mga informal settlers sa lungsod

Noong nakaraang taon, lumabas ang balita tungkol sa nakalap na datos ng Department of Health na tinatayang nasa 3.5 milyong Pilipino ang walang maayos na palikuran.

Imahe mula Loowatt Ltd. via Facebook

Kabilang sa mga walang maayos na palikuran ay ang mga informal settlers na nakatira sa gilid ng ilog kung saan dito na sila mismo umiihi o dumudumi. Kaya naman maraming Ilog lalo na sa Metro Manila ang marurumi at puno ng iba’t ibang basura at dumi ng tao.

Kaya upang sa ganun ay mabawasan ang pagkalat ng dumi at magkaroon ng maayos na palikuran ang mga pamilyang Pinoy, inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang proyektong “Kubeta Ko,” kung saan namimigay sila ng mga portable toilets sa mga Pinoy na maituturing na walang maayos na tirahan.

Kamakailan, inilunsad ang proyektong “Kubeta Ko” sa Parola Compound sa Tondo district, Maynila kung saan limampung portable toilets ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Manila city mayor Isko Moreno.

Imahe mula kay Randy Estrellado via Facebook

Kasama ng lokal na pamahalaan sa pangangasiwa ng proyektong ito ang Maynilad, Department of Environment and Natural Resources, British Embassy in Manila, at Bill Gates Foundation.

Sa talumpati ni Mayor Isko, malapit sa kanya ang proyektong ito dahil habang lumalaki sa Maynila, siya mismo ay nakaranas ng hirap dahil sa kawalan ng palikuran.

Imahe mula Facebook

Ayon kay Mayor Isko,  magkakaroon ng dignidad ang mga mahihirap at informal settlers na makatatanggap ng portable toilets dahil hindi na nila kailangan pang umihi o dumumi sa iba’t ibang lugar at hindi na rin maituturing na “dugyot” ang kapaligiran.

Sa mga nakatanggap ng portable toulets, hinidling ni Mayor Isko na pangalagaan nila ito at panatilihing malinis dahil 2 hanggang 3 pamilya ang maghahati-hati sa paggamit nito. Batid rin umano ni Manila City mayor na short-term solution lamang ang proyektong “Kubeta Ko” kaya naman inihahanda na rin nila ang in-city relocation para ang mga informal settlers upang magkaroon ng hindi lamang maayos na palikuran kundi sarili nilang tahanan.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: