
- Nag-viral at tinutukan ng maraming Pinoy sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang kuwento ng palaboy noon sa Cebu na si “Berta”
- Sa tulong na rin ng vlogger niyang kaibigan at ang kumupkop sa kanyang foundation, umayos na ang pag-iisip at pamumuhay ni Berta
- Kung noon ay siya ang binibigyan ng tulong, ngayon ay kabilang na si Berta sa mga namahagi ng tulong lalo na sa mga taong kalye
Maraming Pinoy kamakailan ang tumutok sa kuwento ng palaboy sa Cebu na si Roberto Planado Jr. o mas kilala sa tawag na “Berta.” Bago pa man naitampok ang kanyang kuwento sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho, una nang nag-viral ang video ni Berta habang nakikipag-usap ng Ingles.

Mentally ill homeless gay who keeps speaking English finds help from kind stranger
Halos 17 taong nanirahan si Berta sa mga kalye sa Cebu at nabubuhay lamang sa pamamagitan ng palilimos sa mga residente. Maraming mga Pinoy na hiningan ng pera o pagkain ni Berta ang namangha sa kanyang galing sa pakikipag-usap ng purong Ingles.
Sa kanyang kuwento sa KMJS, dating guro si Berta at dahil sa pagkakasawi sa pag-ibig ay nawala siya sa tamang pag-iisip. Sa langsangan naman nakilala ng vlogger na si Anton Camilo si Berta na itinuturing niyang “kuya.”
Sa kagustuhang mas matulungan ang kanyang Kuya Berta, humingi ng tulong si Anton sa isang treatment facility upang dito manirahan si Berta at magkaroon ng maayos na pamumuhay.

Pagkatapos ng isang buwan na kanyang paninirahan sa Safe Haven treatment recovery village, labis na nag-iba ang hitsura at aura ni Berta. Kung noon ay gusgusin at dumihin, ngayon ay malinis at maaliwas na ang kanyang mukha.
Maayos na rin kung makausap si Berta, at kung noon ay siya ang ibibigyan ng mga pera o pagkain ng mga taong nakakakita sa kanya sa lansangan, kamakailan ay bahagi si Berta sa pamimigay ng mga pagkain sa street dwellers sa Fuente Osmeña, Cebu.

Kasama ni Berta sa pamamahagi ng libreng pagkain ang grupong Battle Against Ignorance Foundation Inc. at ang Safehaven kung saan siya kasalukuyang naninirahan.
Panoorin dito ang isinagawang feeding program sa pakikibahagi na rin ni Berta: