DOLE pinag-aaralang ipatupad ang P6,000 standard salary para sa mga kasambahay

  • Iminungkahi ng mga opisyales ng Department of Labor and Employment ang pagpapatupad ng standard salary para sa mga kasambahay na nagkakahalaga ng P6,000
  • Ang proposal na ito ay maituturing na resonable ayon pa sa DOLE dahil na rin sa mga trabaho ng kasambahay
  • Maganda rin kung pare-pareho ang suweldo ng mga kasambahay hindi lamang sa Metro Manila kundi sa ibang lalawigan

Maituturing na isang marangal na trabaho ang pagiging isang kasambahay dahil bukod sa kanilang mga gawain, kinakailangan din nilang pansamantalang iwan ang pamilya upang manilbihan sa ibang pamilya.

Imahe mula Gazette

Kamakailan ay iminungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello ang pagpapatupad ng standard salary ng mga kasambahay na nagkakahalaga ng P6,000. Ito umano ay ayon na rin sa pag-uusap ng mga opisyales ng DOLE tungkol sa pag-aaral kung maaaring ipatupad ang P6,000 standard salary para sa mga kasambahay dito sa bansa.

Ayon kay Bello, sa ngayon ay proposal pa lamang ang standard salary na ito ng mga kasambahay, “pero ako, sa tingin ko resonable ‘yong P6,000,” ani Bello sa isang press briefing na naniniwalang sapat ang iminungkahing P6,000 na suweldo.

Dagdag pa niya, para sa mga employer na hindi kayang magbigay ng anim na libo buwan-buwan, huwag na lamang kumuha ng kasambahay at sila na lamang ang gumawa sa mga gawaing-bahay.

Imahe mula PNA

“Kung hindi mo kaya ‘yong P6,000, huwag kang kumuha ng katulong. Ikaw na ang maglinis sa bahay mo, ikaw na maglinis sa kotse mo, ikaw na magpaligo sa mga pusa ninyo o mga aso ninyo,” pahayag pa ni Bello.

Huwag na lang din umanong kumuha ng kasambahay kung nasa P2,000 hanggang P3,ooo lamang ang ibibigay na suweldo, “masyadong mababa ‘yon.” Sinabi rin ng labor secretary na bawat taon naman ng wage adjustment  kada region, subalit mas maganda umano kung magkakapareho ang matatanggap na suweldo ng mga kasambahay sa Metro Manila at sa iba pang lalawigan.

Imahe mula Freepik

“When it comes to the salary of household workers I want them to have the same amount of pay whether they are in Isabela or Mindanao…PHP6,000 is reasonable. It can send their children to school but PHP3,000 is way too low,” ani pa ni Bello.

Nagbigay babala rin siya sa mga employer na kinakailangan nilang makapagbigay ng 13th month pay sa mga empleyado on or before December 24, hindi dapat lumagpas sa araw na ito.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: