Doc Willie Ong inaming nakaalitan ang mga magulang nang pinili niyang maging doktor

  • Maituturing ang tinawag na “Doktor ng Bayan” na si Doc Willie Ong na isa sa mga mapagkakatiwalaang eksperto tungkol sa medisina
  • Libre ang konsultasyon at pagbibigay impormasyon sa publiko ni Doc Willie sa kanyang kagustuhan na makatulong
  • Subalit sa likod ng kanyang tagumpay, inamin ni Doc Willie na nagkaalitan sila ng kanyang mga magulang noong nag-aaral pa lamang siya ng medisina

Mahalaga sa pag-aaral ng mga estudyante ang suporta na ibibigay sa kanila ng mga magulang, hindi lamang sa pinansyal na aspeto kundi maski sa pagbibigay ng payo at paniniwala sa kanilang mga anak na makapagtatapos ang mga ito.

Imahe mula sa Doc Willie Ong Facebook page

Subalit paano kung ang gusto mong kurso na kuhanin sa kolehiyo ay taliwas sa plano sa iyo ng iyong mga magulang? Ano ang iyong gagawin? Susundin mo ba ang iyong mga mahal sa buhay o ipagpapatuloy mo ang pinapangarap na kinabukasan?

Para sa kinikilalang “Doktor ng Bayan” ng maraming Pinoy na si Doc Willie Ong, mas nanaig ang kanyang kagustuhang makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagkuha ng kursong medisina kaysa sundin ang nais ng kanyang mga magulang na sundin ang nakagawian ng kanilang pamilya at maging negosyante.

Ibinahagi ni Doc Willie sa programang “Tunay na Buhay” ng GMA News ang naging alitan niya at ng kanyang mga magulang nang mapagdesisyunan niyang kumuha ng medisina sa kolehiyo at hindi tungkol sa business.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public affairs via YouTube channel

“Nung bata pa ako gusto ko lang talagang tumulong. Nung 17 years old ako mayroon kaming time capsule sa high school, sabi ko lang gusto kong tumulong sa libo-libong tao. Tapos nung sinabi ng teacher ‘pass your paper!’ kinuha ko yung papel nilagyan ko ng asterisk, sabi ko ‘millions’ [ang nais kong matulungan],” kuwento ni Doc Willie.

Pag-amin pa ni Doc Willie, maraming bumabagabag sa kanya noong nag-aaral siya ng medisina. Hindi ito dahil sa mga subject na kinukuha kundi dahil hindi sila nag-uusap ng kanyang mga magulang.

“Sa pag-aaral mentally wala akong problem,  kaya ko silang maintindihan nang mabilis eh. Pero emotionally, nag-away kami ng parents ko, hindi na kami nag-uusap,” ani pa ni Doc Willie.

Imahe mula sa Doc Willie Ong Facebook page

Subalit hindi napigilan ng pagtutol ng kanyang mga magulang ang pagsisikap ni Doc Willie sa pag-aaral, hanggang sa makapagtapos siya ng mga kursong cardiology, public health, at internal medicine.

Ngayon ay mayroong Facebook page at YouTube channel si Doc Willie na mayroong milyon-milyong likes, followers, at subscribers. Kasama ang kanyang asawa na si Dra. Liza, libre silang nagbibigay ng medical consulation at advice sa maraming Pinoy.

Panoorin ang episode tungkol kay Doc Willie dito:


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: