Dingdong Dantes naging delivery rider para sa kaniyang negosyo na DingDong PH

  • Usap-usapan online ang litrato ng aktor na si Dingdong Dantes habang nakasakay sa motor at nakasuot ng uniporme ng kaniyang sariling negosyo na isang delivery service
  • Naisipan ni Dingdong na ilunsad ang kaniyang negosyo upang makapagbigay ng magandang serbisyo lalo na sa mga nais magpa-deliver ng mga produkto
  • Nakatulong din ang negosyo niyang ito sa riders na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya

“Spotted! Is that THE Ding Dong Dantes delivering personally? Btw, nice bike! Not sure which one I’m more starstruck with. Good job bro! #dingdongspotted,” ito ang inilagay na caption ng news caster na si James Deakin matapos niyang ibahagi sa Facebook ang mga larawan ng aktor na si Dingdong Dantes habang nakasakay sa motor.

Imahe mula kay James Deakin via Facebook

Nakasakay si Dingdong sa kaniyang personal na motor na isang BMW R1250 GS adventure bike habang maaaninag dito ang logo ng negosyo ng aktor na DingDong PH, isang motorcycle delivery service. Makikita rin na nakasuot si Dingdong ng uniporme ng kanyang negosyo.

Matatandaan na noong nagsimula ang pandemya sa bansa ay naisipan ni Dingdong na ilunsad ang kaniyang motorcycle delivery service business matapos makaranas ang kanyang asawa na si Marian Rivera ng pagkadismaya dahil sa maling delivery sa kaniyang flower business.

Imahe mula kay James Deakin via Facebook

Nagkamali kasi ng address na pinadalahan ang delivery service at bukod pa rito, nasira rin ang mga halaman na binili ng customer. Kaya naman naisipan ni Dingdong na magtayo ng negosyo kung saan masisigurado na maganda ang pagpapadala at naaayon din sa health and safety protocols.

Pagkatapos makipag-usap sa kanyang mga kaibigan, inilunsad na ng Kapuso actor ang Doorbell Technologies, ang kompanya sa likod ng pamamahala sa  DingDong PH. Dito ay maaaring mag-usap at magsama-sama ang mga sellers, partner riders, at customers upang matiyak ang magandang serbisyo sa pagpapadala ng mga produkto lalo na ng mga nauusong pagkain na ibinebenta ng iba’t ibang sellers.

Imahe mula Instagram

Bukod sa kagustuhang makapagbigay ng magandang serbisyo, ang DingDong PH din ay naging daan upang magkaroon ng trabaho o pagkakakitaan ang maraming riders na nawalan ng trabaho noong mag-umpisa ang pandemya.

Ngayon ay hindi pa available sa mobile app stores ang DingDong PH na nasa proseso pa umano ng pagpapaganda ng app. “Kasalukuyang pinapaganda pa para maging seamless pa ‘yung customer experience so para kapag nag-order kayo, talagang walang kapalya-palya,” ani Dingdong.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: