
- Isa ang K-pop boy group na BTS sa may pinakamaraming fans sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas
- Sa Quezon City, mayroong itinampok ang isang netizen tungkol sa coffee shop kung saan mayroong tema tampok ang mga miyembro ng BTS
- Ibinahagi ng netizen ang mga mahahalagang detalye para sa mga nais pumunta sa BTS-themed coffee shop na ito
Sa dami ng mga Korean pop o K-pop groups na hinahangaan at tinututukan ngayon ng maraming fans, isa na marahil ang Bangtan Boys o mas kilala sa tawag na BTS sa mga pinakakilalang K-pop idol group sa buong mundo.

Kamakailan, napabilang ang BTS sa itinanghal na “Entertainer of the Year” na itinampok ng kilalang Time Magazine. Bukod sa kaliwa’t kanang awards, mapapanood na rin ang BTS sa Hollywood at isa sa may pinakamalak na international fans.
Kaya naman magandang balita para sa mga “Armys” o ang tawag sa fans ng BTS lalo na dito sa Pilipinas dahil isang BTS-themed coffee shop ang matatagpuan sa Quezon City.
Tinawag na “Purple 7 Cafè,” ang coffee shop na ito ay itinampok sa isang post ng Facebook page na JhaJha Lakwatsera. Sa FB page na ito na pagmamay-ari ni Janeth Almario, kanyang itinatampok ang iba’t ibang lugar na kanya nang napasyalan at ito ay binibigyan niya ng reviews para sa mga nais din na pumunta.

“Magsawa ka sa mukha nila RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V, and Jungkook. Aliw na aliw ako sa themed cafe na ito. Kahit san ka lumingon puro mukha nila makikita mo,” ani Janeth. Ang may-ari umano ng coffee shop na ito ay huge fan ng BTS kaya naisipan niyang magtayo ng negosyo na may tema tampok ang pitong na miyembro ng K-pop boy group.
Para sa mga nais pumunta, ang Purple 7 Cafè ay matatagpuan sa NBC Square, Congressional Avenue, Quezon City at ito ay bukas mula 1 PM to 6 PM mula Monday to Friday except Wednesday. Tumatanggap sila ng walk-ins sa mga araw na ito, habang kailangan naman ng reservation tuwing Friday to Sunday.

Paalala ni Janeth, mahigpit na ipinapatupad ang safety and health protocols sa nasabing coffee shop kaya naman mahalaga na sundin rin ito ng mga nais pumunta rito.
“I’m not encouraging you guys to go outside much better pa din na stay at home lang for your safety at ng mga kasama mo sa bahay. We have our own car at super aware kami sa health protocol. MAKE THIS AS YOUR FUTURE REFERENCE pag pwede ng maglakwatsa!”